Grazziana's POV
Break Time!
"Hoy bespren! Sabay tayo!" Sigaw ni Kevin sa maraming tao at inakbayan ako. Nako! Issue na naman 'to.
"Mag best friend sila? I can't believe!"
"I'm sure, inuumpisahan niya ng lumandi kay Kevin!"
"Ang landi talaga niya."
"No! It can't be! Ugh! Ang landi niya talaga!" Sigaw ni Nicole.
"Correct! After ni Clark, si Kevin ulit? What the!" Sigaw naman ni Veronica.
"Sinong isusunod niya? Si Nathan? Mag ingat ka Alex." Tinapik pa ni Ate Tricia yung balikat ni Alex.
"Hindi pwede! Mapapatay ko muna yang babaeng yan bago niya makuha sa akin si Nathan!" Ang sama talaga ni Alex! Bwisit siya! Isaksak niya sa baga niya si Nathan.
[Now Playing- Lucky by: EXO]
Nagulat ako nang nilagay ni Kevin yung headphone niya sa ulo ko. "Wag mo silang pakinggan. Mauna ka na, maghanap ka na ng p-pwestohan natin." Utos niya sa akin.
Habang nakikinig ng music, nawawala yung mga inis ko sa kanila. Basta naghanap na lang ako ng p-pwestohan namin ni Kevin. Nang nakahanap na ako ng pwesto namin. Sinilip ko si Kevin kasi wala pa siya. Nakita ko siyang galit na kinakausap sila Nicole.
Inalis ko muna yung headphone para marinig ko. "Hoy! Itigil niyo nga ang pagiging chismosa niyo!"
"Kung gusto mong itigil namin, layuan mo yang bruhildang Grazz na yan!" Sigaw ni Nicole.
"Eh ba't ko gagawin yon? Para sayo? Wag kang magpakadesperada Nicole! Hindi kita gusto! Okay?!" Sigaw ni Kevin. "At kayo?! Itigil tigil niyo yan bago ko kayo mapa-alis sa eskwelahan ko." Sermon niya at nagsi-alisan na sila.
Sinuot ko ulit yung headphone niya at papalapit na siya sa pwesto ko. "Oy!" Tawag niya sa akin.
"Ano gusto mo? Ako na ang mag oorder?" Tanong ko.
"Hindi. Ako na ang mag-oorder. Anong gusto mo?" Tanong niya.
"Kung ano yung sayo, ganon na din yung sa akin." Sagot ko at umalis na para mag-order.
Habang hinihintay ko si Kevin, padaan sila Nicole, Veronica, Alex, at Ate Tricia papunta sa akin. Hindi na sumasama si Jhellyn sa kanila kasi ang sama ng ugali nila. Dahil sa true friend naman si Jhellyn sa kanila, hindi niya lang din iniiwan sila Veronica. Kapag may balak lang sila, doon lumalayo si Jhellyn sa kanila.
Nagulat ako nang buhusan ako ni Nicole ng juice sa ulo ko. "Ayan ang napapala ng mga mang-aagaw at malalandi." Sabi ni Nicole.
Si Veronica naman, isinubo sa akin yung burger kahit ayaw ko naman. Grabe na yung pinag-gagagawa nila sa akin. Ang sasama nila!
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Ficção AdolescenteBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
