Chapter 85

45 3 0
                                        

Kit's POV

"Tangina, Grazz. Sagutin mo please." Natatarantang sambit ni Kevin habang hawak niya ang phone niya.


"Kumalma ka. Makikita din natin siya." Sabi ko habang pinapaandar ang van ng napakabilis. "Pati ikaw. Kumalma ka. Baka madisgrasya tayo." Sambit naman ni Clark sa akin.


"Hays."


Nang makarating kami sa 7/11 na pinagbabaan nila Grazz at Nathan kanina, agad kaming bumaba para hanapin siya.


"Miss, may nakita po ba kayong babae? Maputi, may bangs at 5'2 ang height? Kulay pula ang damit tapos naka shorts." Tanong ko sa babaeng nakatambay malapit sa 7/11.


"Ah, wala po akong napansin. Sorry."


"Nakita niyo po ba itong babaeng 'to?" Nakita ko si Kevin at Clark na nagtatanong tanong din sa iba. Pinapakita nila yung picture ni Grazz sa cellphone nila.


Naisipan kong pumasok sa 7/11 at tanungin ang cashier doon.


"Miss. Nakita niyo po ba itong babaeng 'to?" Pinakita ko sa babae ang picture ni Grazz.


Kumunot yung noo niya at pilit niyang inaalala ang pangyayari.


"Diba yan yung bumili ng ice cream at choco mucho kanina?" Tanong nung lalaking katabi niya.


"Opo, siya nga po yon. Nakita niyo po ba?" Tanong ko.


"Ah opo. Nakita po namin siya kanina lumabas tapos sumakay sa puting van."


"Ano'ng balita?" Biglang sulpot ni Kevin at Clark sa akin.


"Puting van? Diba puti din yung van natin kanina?" Tanong ko sa dalawa.


"Oo. Ano daw meron?" Tanong ni Kevin.


"Sumakay daw si Grazz doon."


"Ibang van ang nasakyan ni Grazz." Sagot ni Clark.


"Eh bakit hindi magchat si Grazz sa atin?" Tanong ni Kevin.


"Maaaring pinagtripan na si Grazz at hindi ibinalik o kaya binalak talaga yan." Sagot ni Clark.


"Lintek." Napayukom ang kamao ko. "Hindi ko alam kung saan natin siya hahanapin."


Nakita ko si Kevin na napaiyak na kaya hinimas ni Clark ang likod nito. "Ito na ang kinakatakot ko eh."


"Wag kang mawalan ng pag asa. Mahahanap din natin siya." Sabi ni Clark kay Kevin.


["Hello? Nahanap niyo ba si Grazz?"] Tanong ni Kat sa kabilang linya.


["Hindi eh."] Walang ganang sagot ko.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon