Nathan's POV
After 3 months...
Wala na akong balitang natatanggap mula kay Alex. Sabi kasi nila sa akin, umalis daw siya pero hindi nila pina-alam kung saan siya pumunta.
Hays! Miss na miss ko na si Alex. Kamusta kaya si Alex? Okay na kaya siya? Naka-move on na kaya siya? Hindi ko alam kung sasaya ako o malulungkot kapag naka-move on siya. Kung maka-move on siya, tama lang sa akin ang sakit dahil kasalanan ko, ako yung bumitaw.
*ring..ring..ri-
["Hello?"] Sagot ko sa phone ko. Tumatawag si Kevin.
["Nathan! Yung mommy ni Alex, tumawag kay Grazz! Humihingi ng tulong dahil si Alex daw hindi na lumalabas ng kwarto niya. Nag-aalala na yung mommy ni Alex! Matagal na daw yung break up niyo pero ngayon lang daw nagkaganito si Alex."] Sigaw ni Kevin. Hindi na ako mapakali ng marinig ko yung sinabi ni Kevin.
Bakit naman kaya nagkakaganon si Alex? Sabi ko na nga ba eh. Hindi siya okay. Tss! Ang tanga tanga ko talaga.
["Ano?! Bakit daw?!"] Nag-aalalang tanong ko.
["Minsan na lang daw siyang kumain, hindi siya nakiki-halubilo sa mga kaibigan niya at hindi na din daw siya nag-aaral. Basta naka-kulong na lang daw siya sa kwarto niya. Nag-aalala na yung mommy niya kasi naka-lock yung kwarto at mga bintana niya kaya hindi mapasok nila tita. At kung pilit nilang buksan yung mga bintana, magagalit daw si Alex. Dalawang linggo na daw siyang hindi kumakain at hindi lumalabas ng kwarto niya."] Paliwanag ni Kevin.
Hindi ko alam na ganoon pala yung kalagayan ni Alex ngayon. Kung una pa lang sana, 'di sana hindi na ako nakipag-break sa kaniya.
Naging selfish tuloy ako. Nakipag-break ako sa kaniya dahil pagod na ako at gusto ko mag-bago siya. Pero putres, hindi ko naisip kung anong mangyayari sa kaniya pagtapos non. Kingina, ang selfish ko talaga. Sarili ko lang inisip ko!
["Alam mo ba yung address ng tinitirahan nila ngayon?"] Tanong ko at agad namang binigay sa akin yung address. Nandoon din daw kasi sina Grazz at Kevin sa bahay nila Alex ngayon.
Binaba ko yung phone ko at nag-ayos ng sarili ko. Bumili ako saglit ng pagkain ni Alex at agad ko namang pinuntahan yung address na binigay sa akin ni Kevin. Pagkadating ko sa bahay na tinitirahan nila ngayon, agad akong pumasok doon dahil naka-bukas naman yung pinto nila.
"Nathan, parang awa mo na, tulungan mo si Alex. Tulungan mo siyang bumalik yung dating buhay niya please." Umiiyak na sabi ni Tita sa akin.
Naaawa ako kay Tita at kay Alex. Ang bobo ko kasi. Ba't ko kasi ginawa yon?! Mas lumala tuloy! Takte! Takte talaga!
Ang masasabi ko lang, ang tanga ko! Pati ako nahihirapn dahil sa katangahan na ginawa ko eh!
Niyakap ko si Tita. "Wag po kayong mag-alala tita, aayusin ko po ito. Mahal ko po ang anak niyo. Tita, sorry po sa nagawa ko kay Alex. Gusto ko lang naman pong maging maayos kami." Sambit ko.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...