Chapter 70

46 4 0
                                        

Grazziana's POV

@Bar


"Ganito mo ba sinet up yung bar mo ha Nathan?! Ang sososyal ng mga andito oh!" Reklamo ko.


"O bakit? Sosyal naman kayo ah!" Sambit niya.


"Wow! Wow ah! As in wow! Kayo naka-formal, si Alex, Lia at Lexi naka-dress. Eh ako?! Maong pants at t-shirt lang."


"Wag ka nang mag reklamo." Biglang sulpot ni Kevin at inakbayan ako.


Pinalo ko naman siya sa braso niya. "Ikaw kasi! Bakit ba kasi ayaw mo ako pasuotin ng dress?!"


"Mas maganda ka kung ganiyan. Tignan mo oh, ang dami pa din nakatingin sayo. Pagbihisin kaya kita ng pang pulubi?!" Inirapan niya ako. Napakasama niya talaga!


Nakakainis na nakakakilig. Ewan!


"Grabe ka naman sa girlfriend mo, Kevz." Sabi ni Perry.


"Hindi niya ako girlfriend at hindi ko siya boyfriend." Nag cross arms ako at inirapan ko si Perry.


"Doon na din ang bagsak niyan." Malokong sabi ni Kevin.


"Huh! Tandaan mo yan! Hinding hindi kita sasagutin! Hanggang MU lang tayo." Biro ko.


"Hoy! Biro lang. E'to naman." Niyakap niya ako.


"Hoy! Itigil niyo yan!" Sabi ni Clark sa amin.


"Panira ka ng moment!"


"Uy, tara! Doon tayo umupo!" Aya ni Nathan at tinuro yung table saka kami tumango.


Ayesha's POV

Tsk, asan na ba yung mga yon?!


Lakad lang ako ng lakad nang may makasalubong ako.


"Hi." Sabi nong babae.


"Who are you? Do I know you?" Mataray kong tanong.


"No need to know. Bye!" Mukhang asawa ni kamatayan eh! Itim ang damit, sapatos at itim ang make up. Uso pa ba yon ngayon?


Tsk. Never mind na nga!


Dumeretso na lang ako at nahagip ng paningin ko si Kevin at si Grazz. Kaya tumakbo na ako deretso sa kanila.


"Yo!" Tawag ko sa kanila.


"Yo!" Nakipag apiran ako sa kanila.


"Kamusta na, Ayesha?" Tanong ni Nathan.


"Ayon, warfreak pa din!" Masaya kong sabi kahit nasasaktan ako sa inaasta ni James. Nakakainis! Ano ba kasing problema?

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon