May biglang kumalabit sa akin. Sakto naman tapos na sila Kuya kaya tapos na din yung vinivideo ko. "Hi Princess." Sabi sa akin ni Jacob habang pakaway kaway pa. "Kanina pa kita hinahanap ah?" Tanong pa niya.
"Masyado kasing madaming tao kaya hindi mo ako mahanap." Sagot ko sa kanya.
"Lagi mo ata akong tinataguan eh." Natatawang sabi niya. Tinataguan? Hindi kaya. Hindi nga siya nag papakita sa akin nung mga nakaraang araw eh.
"Hindi kaya." Ngumuso ako sa saka pinisil niya naman yung pisngi ko sabay tawa. Lumapit naman yung anim sa amin ni Jacob.
"Manang, nakita kita kanina ah?" Pang asar na tanong sa akin ni Kevin. Ano na naman kayang gagawin nito? Aasarin na naman ako nito eh.
"Eh, ano ngayon. Malamang, pinapunta mo ako dito edi manonood ako." Mataray kong sagot sa kanya at Inirapan siya. Bigla kaming tumahimik. Mukhang gulat na gulat din yung mukha nung lima. Nakataas din ang kilay nila sa akin. Si Kevin naman ay blanko ang emosyon niya.
"Nakita kitang naka nga-nga kanina." Pagbabasag naman ng katahimikan ni Kevin at tumawa naman siya ng malakas.
"Ano? Hindi ah! Wala ka namang ebidensiya para sabihin yan." Pag susungit ko.
Tumawa naman silang lahat sa sinabi ko. Trip ba nila akong asarin ngayon? Buti na lang dumating si Alexandria. "Besty! Kanina pa kita hinahanap!"
"Hindi ka nagrereply sa text ko." Sagot ko naman sa kanya.
"Eh, wala akong load. Alam mo namang naghihirap ako ngayon." Nagtawanan kaming dalawa.
"Princess, tara kain tayo ng lunch sa canteen. Libre ko." Anyaya sa akin ni Jacob. "Ikaw Alex? Gusto mo sumama?" Tanong ni Jacob kay Alex.
"Sige Jacob, salamat." Ngumiti naman ng malapad si Alex kay Jacob.
"Sige, alis na kami ah?" Paalam ko sa kanilang anim. Nagtataka silang lahat maliban lang kay Kevin. Blanko lang ang emosyon ni Kevin na parang may nararamdamang kaba si Kevin. Hindi siya mapakali eh. Kaya tinaasan ko yung isang kilay ko na nagpapakitang nagtataka din ako. "Oh, bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Diba sabi mo kanina pinapunta ka ni Kevin dito?" Nagtatakang tanong ni Nathan na parang gusto niyang malinawan.
"Oo. Bakit?" Tanong ko din sa kanya.
Nagulat na lang ako sa kanilang lahat nang nagsigawan sila. "Ayie!" Saka sila nag tawanan. Anong pumasok sa mga isip ng mga 'to? "Kevin! May gusto ka kay manang, 'no?" Tanong ni James kay Kevin. Huh? Si Kevin? Magkakagusto sa akin? Kadiri.
"Hindi ah!" Sigaw ni Kevin sa kanila. Eto namang si Kevin namumula na sa sobrang galit, tila diring diri din sa akin. Akala niya naman gusto ko rin siya.
"Oh, bakit ka defensive?" Pang aasar na naman ni Perry kay Kevin.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Novela JuvenilBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...