Chapter 86

53 4 0
                                        

Grazziana's POV

After 2 days...


"Oh, eto na ang iyong pagkain." Parang asong ibinigay sa akin ang kanin at may ulam na parang panis na manok.


Sinipa ko agad ang pagkain dahilan ng pagkatapon nito.


"Hindi ko kailangan yan!" Sigaw ko.


"Akalain mo yon? Hindi ka nila hinahanap. Dalawang araw na ang lumipas." Patango tangong sambit ni Jay.


Napalawalang hiya talaga niya. Alam kong lider siya ng grupong Dead Lock at kaaway nga nila Kuya. Agad akong sinabunutan ni Jay. "Matigas talaga ang ulo mo ha? Manang mana ka sa kuya ---"


Dinuraan ko siya sa mukha.


"S-shit." Bulong niya.


Inuntog niya ako ng napakalakas sa katabi kong bakal ay maya't maya nawalan ako ng malay.


"Ayan ang nararapat sayo."


Kevin's POV

"Kevin?" Hindi ko pinansin ang tawag ni Ate Kat sa akin.


"Kumain ka muna." Nilapag niya ang pagkain ko sa study table ko.


"Ate, may balita na ba kay Grazz?" Bumangon ako.


Napabuntong hininga si Ate. "Wala pa daw eh."


Lintek. Dalawang araw na hindi pa nahahanap si Grazz. Parang mamamatay ako kapag tumatagal na hindi siya nahahanap hays.


Lumabas na si Ate at hinayaan akong makapag isip isip.


Hindi lang ito ang unang may magtangka sa buhay ni Grazz. Dalawang araw na ang makalipas, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kaniya. Dati rati sa isang iglap maililigtas ko na si Grazz, pero ngayon.. mukhang pumalya ako. Dead lock lang ang laging gumagawa no'n kay -


Teka. Dead Lock?!


Agad akong humarurot ng takbo pababa para ipaalam kay Kit.


"Kit?! Kit!" Pagtawag ko habang umiinom siya ng kape sa kusina kasama si Ate Kat.


"Ano?" Halata sa mukha ni Kit ang puyat at pagod.


"Hindi kaya, dead lock ang kumuha kay Grazz?"


Naliwanagan ang mukha ni Kit. Si Ate Kat mukhang clueless pa.


"Sino sila?" Tanong ni Ate Kat.


"Tama! Putangina, mapapatay ko ang mga yan!" Sigaw ni Kit.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon