Chapter 26

56 6 0
                                        

Grazziana's POV

"Don't tell me.." Hindi na naituloy ni Kevin yung sinasabi niya ng nagsalita si Clark.


"Kailangan natin siyang hanapin." Sabi niya.


"Pero teka lang. Natawagan niyo na ba siya o naitext?" Tanong ko sa kanila.


"Grazz, kanina pa. Pero walang reply. At hindi niya sinasagot yung mga tawag namin. Ang akala namin inaalagaan ka niya." Sabi ni James.


"Teka, tawagan ko baka sagutin niya." Sabi ko. Kinuha ko yung phone ko at dinial ko ang number nita


Calling Poging Kuya Kit..


"Ayun! Sumagot na." Sabi ko sa kanila.


"Iloud speaker mo." Sabi ni Perry kaya  agad ko namang sinunod yon.


["Kuya! Asan ka? Hindi ka daw pumasok?"] Pag aalala ko.


["Hi baby? Hinahanap mo ba yung Kuya mo? Wag kang mag alala. Binabantayan namin siya."] Sabi nung lalaking hindi ko kilala. Hala! Asan si kuya?!


Agad namang hinugot ni Kevin yung phone ko. ["Hoy! Gago! Wag kang pa baby baby dito! Kapag nakita kita, mapapatay talaga kita! Ilabas mo yung kaibigan namin, putangina mo!"] Galit na galit na sabi ni Kevin sa lalaki.


Agad pinatay nung lalaki yung tawag. Nag aalala na talaga ako kay Kuya.


"Tangina!" Pag mumura ni Kevin.


Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sobrang nag aalala ako kay kuya Kit. "Kumalma ka, Grazz." Tsaka ako inakbayan ni Clark.


Agad akong hinila ni Kevin. At tumingin ng masama kay Clark.


"Saan natin hahanapin si Kuya?" Nagpanic na ako.


"Tignan natin sa ilog na pinagtatambayan natin." Sabi ni Nathan. At sumunod na lang kami.


Nandito na kami sa ilog. Pero hindi pa namin siya makita. "Kuya Kit!" Sigaw ko. "Asan ka na?! Andito na kami!"


"Kit!" Sigaw nila.


"Kuya Kit! Magpakita ka naman!" Sigaw ko. Sa pagod ko, napa upo na lang ako.


Hinawakan ako ni James sa balikat. "Grazz, sa tingin ko, wala dito si Kit." Mahinahon na sabi ni James sa akin.


"Eh saan nga natin siya hahanapin?"


"Sa lumang eskwelahan. Doon sa nakipagsuntukan tayo noon." Sabi ni Perry.


Tinext ko si Grace para hindi mag alala sa amin.

      Grace, may importante lang kaming pinuntahan ni Kuya Kit. Umuwi ka ng maaga ha? Ikaw na ang bahalang magpalusot kay mommy at daddy. Alam kong masama yon. Pero kailangan talaga Grace para hindi sila mag alala.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon