Chapter 57

29 4 0
                                    

Grazziana's POV

"Grazz! Grazz! Gumising ka na! Andiyan na manliligaw mo!" Sigaw ni Mommy sa baba. Teka, manliligaw?! Wala ako non ah!


Agad akong bumangon sa kama ko at bumaba. "Ma! Wala akong manliligaw!" Sigaw ko.


"Eh anong tawag mo kay Kevin?!" Tanong ni Mommy. Manliligaw ko ba yan?!


"Hi Bespren! Good Morning!" Bati ni Kevin sa akin.


"Huh?! B-bakit bespren t-tawagan niyo?!" Gulat na tanong ni Mommy. "A-alam niyo na ba?!"


"Ma, opo./Opo tita." Sagot namin ni Kevin at epal pang umakbay sa akin.


Napayuko naman si mommy. "Grazz, Kevin. Sorry sa mga nangyari noon." Sabi ni Mommy.


Inakbayan naman ni Kevin si Mommy. "Tita, okay lang po yon." Sabi ni Kevin.


"Ma, wala maman po kayong kasalanan eh."


"Salamat at pinatawad niyo agad ako." Sabi ni Mommy. Tsk, Mommy talaga.


"O sha, alis na po kami, ma. Ma-lalate na po kami." Paalam ko.


"Sige, anak. Kevin, bantayan mo si Grazz ha?" Paalala ni Mommy.


"Opo tita. Maasahan mo po ako." Sabi ni Kevin at lumabas na kami sa bahay namin.


"O, anong nakain mo at sinundo mo 'ko?" Pagtataray ko.


"Wala. Bawal bang sunduin ang panget?"


"Tss. Ewan ko sayo!" Inirapan ko lang siya at pumasok na ako sa loob ng kotse niya at sumunod naman siya.


"Ang ganda mo." Bulong sa akin ni Kevin habang naka titig sa akin.


"Alam ko."


"Tss. Yabang." Sabi niya.


Ako pa ang mayabang? Mas mayabang pa nga siya!


Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo? You're too obvious kung nag sisinungaling ka o hindi." Sabi ko.


"O, bakit naman?" Nag tatakang tanong niya.


"Kasi imbis na mag agree ka sa sinabi ko, sinabihan mo pa ako ng mayabang. Tss." Inis kong sabi sa kaniya.


"Oy! Hindi naman sa ganon. Totoo naman talaga yung sinasabi kong maganda ka. Thank you lang naman ang hinihintay ko. Tapos pagmamayabang pala ang narinig ko." Sambit niya saka siya tumawa.


"O e'di thank you."


"Yabang ka panget. Yabang!" Pang aasar pa niya.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon