Chapter 78

52 4 0
                                        

Grazziana's POV

"Sige! Matulog ka buong magdamag diyan! May pupuntahan kaming lahat. Kasama yung Pamilya Sarellano!" Lumabas na si Mommy.


Hay, salamat! Makakatulog na din ako ng mahimbing at walang isto — wait, ano daw? May pupuntahan sila?! Kasama ang Sarellano Family?


Bumangon agad ako at lumabas ng kwarto ko. "Mommy! Mommy! Aalis tayo? Saan tayo pupunta? Malayo ba pupuntahan natin? Mag iimpake na ba ako? Konti lang po ba o madami yung dadalhin ko? Maganda po ba yung pupuntahan natin?" Excited kong tanong kay Mommy.


"Umayos ka nga muna Grazz, tinitignan ka ni Kevin oh!" Andito si Kevin?!


"Omg! Bakit andito ka ha? Nako! Di pa ako nag aayos!" Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko pero bago ko isarado yung pinto ko, may narinig akong sinabi ni Kevin.


"Kahit hindi ka na mag ayos, maganda ka pa rin sa paningin ko." Ish. Umagang umaga aba!


Hindi ko na hinarap si Kevin dahil hiyang hiya ako sa itsura ko. Dumeretso na ako sa CR para maligo. Nagbihis na din ako at nag ayos. Kasi nga daw may pupuntahan. Nakaayos na silang lahat, ako hindi pa.


Inayos ko na lang saglit yung maleta ko. Sabi ni mom maleta daw dalhin ko. Parang ang layo layo naman ng pupuntahan namin!


"Tara na!" Sigaw ko.


"Yehey! Alis na tayo!" Parang bata na sabi ni Grace habang dala-dala si Zoe.


"Kompleto na ba yang gamit mo, Grazz?" Tanong ni Kuya.


"Oo."


Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa byahe. Kagigising ko lang kanina tapos natulog ako.


"Kevin, may idea ka ba kung saan tayo pupunta?" Curious kong tanong sa kaniya.


"Wala eh. Hindi din nila sinasabi sa akin kung saan tayo pupunta. Sinusunod ko na lang kung ano'ng inuutos nila Mommy." Sagot niya.


Nilibot ko yung mga mata ko. Nagulat ako nang andito kami sa airport.


"Kevin! Bakit andito tayo sa airport?" Tanong ko.


"Hindi ko din alam. Baka pupunta tayo sa ibang bansa? Bonding? Ganon? Psh. Mag sisikreto pa kasi sila!" Natatawang sabi ni Kevin.


Binatukan ko naman siya. "Loko ka talaga! May alam ka?"


"Nako! Wala nga sabi."


"Bumaba na kayo diyan! Ang sweet niyo na naman!" Sigaw ni Kuya Kit.


"Wag kang panira ng moment dito! Doon ka kay Ate Kat!" Nag tongue-out ako kay Kuya.


"Hi, baby." Sambit ni Kuya Kit.


"Waa! Baby!" Pumulupot naman si Ate Kat kay Kuya Kit.


Sumakay na kami sa eroplano at ilang oras din ang biyahe bago kami nakarating sa kung saan. Teka... Saan ba 'to? Kanina pa kami bumabyahe hanggang ngayon wala pa din akong alam kung saan kami pupun—


"Yehey! Andito na tayo sa America!" Sigaw ni Grace! Sa America lang pala eh.


Pero omg! Namiss ko talaga dito!


Umakbay sa akin si Kevin. "Hay! Andito na tayo sa America. Tabi tayo matulog mamayang gabi ha?" Nag evil smile siya. Binatukan ko si Kevin "Aray! Masakit!" Reklamo ni Kevin.


"Eh, ang manyak mo! Alis ka nga dito!"


"Sinabi ko lang tabi tayo matulog? Noong mga bata naman tayo, sabay tayo natutulog!"


"Noon yon! Hindi ngayon! Matatanda na tayo, hoy!"


"Hoy ka din! Kung sa tingin mo may gagawin ako sayo, pwes wala!"


Kevin's POV

"Grazz!" Tawag nila Tita Kathy kay Grazz. "Kevin, pag pasensyahan mo na kung mainitin yung ulo ni Grazz ngayon ha? Sige, sundan ko lang siya."


Jusko! Ano bang ginawa ko?!


"Hala ka Kuya Kevin! Mahirap suyuin yon!"


"Gago ka Kevin! Kung ano-ano kasing sinasabi mo sa kapatid ko!"


"Hoy, Kevin! Wag ka ngang loko-loko! Tadyakan kita diyan eh!"


Sigawan nila sa akin. Putcha! Anong gagawin ko?! Sinabi ko lang naman na tabi kaming matulog?!

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon