Chapter 37

47 5 0
                                        

Grazziana's POV

Katok ako nang katok sa kwarto ni Kuya pero hindi niya binubuksan. Kahit salita man lang, wala saiyang sinabi. Ipinihit ko yung door knob. Bukas naman. Nakita kong nag lalaptop si Kuya. Bastos 'to ah. Kanina pa ako katok ng katok di pa buksan. Badtrip.


Tinignan ko kung anong ginagawa ni kuya Kit sa laptop niya. Omg! Pinagpapantasyahan niya yung picture ni Ate Kat sa facebook.


Agad niyang sinarado yung laptop niya. "Bakit ka nandito?! Lumabas ka nga! Hindi ka man lang kumakatok!"


"Kanina pa ako katok ng katok sa pinto mo."


"Ikaw?! Kumakatok? Wala akong naririnig eh."


"Aba! Syempre kuya, nakafocus ka riyan sa facebook ni Ate Kat!" Sigaw ko sa kaniya. Nahihibang na talaga siya!


Napakamot ng ulo si Kuya. "Grazz?! Kit?! Bakit kayo nagbabangayan diyan ha? At sino yang Kat Kat na yan?" Sabi ni mommy.


"Ma, yung crush---" Hindi ko na naituloy yung sinasabi ko dahil tinakpan agad ni Kuya yung bunganga ko.


"Ma! Wala po! Kat means pusa lang po yon." Pagpapalusot ni kuya. "Wag ka ngang maingay!" Bulong na parang pasigaw sa akin ni Kuya Kit.


Tinanggal niya yung pagkakatakip sa bunganga ko. "Mommy! Hindi po pusa yon!" Tumakbo ako papunta kay mommy at hinabol naman ako ni kuya.


"Wala yon! Ma, wag ka pong maniwala diyan sa babaeng yan. Hindi po totoo yung sasabihin niya." Natatarantang sabi ni Kuya.


"Teka, ano bang sinasabi mo Grazz?" Tanong ni Mommy.


"Ma, wala! Grazz, halika nga dito."


"Ano ba yon?" Tanong ni mommy.


"Ma, crush po ni Kuya Kit si Ate Kat. Yung principal ng school." Sabi ko.


Napakamot na lang ng ulo si kuya. At si mommy pangisi ngisi pa. "Aba, luma-lovelife na si Kuya." Sabi ni mommy.


"Ma!" Iritang sabi ni Kuya.


"Ma, sabi ni kuya na love at first sight na daw siya. Ang korni diba?" Nanlaki yung mata nila mommy at kuya sa sinabi ko.


"Na love at first sight?! Anak talaga." Pang aasar ni mommy kay kuya. At sinamaan lang ako ng tingin ni kuya.


Maya't maya may nag doorbell kaya si kuya na ang nagbukas ng gate. Ako naman, pumunta sa sala at umupo sa mahabang sofa para samahan si Grace sa panonood.


Nagulat ako ng biglang nagtatawanan sa tabi ng pinto namin.


What?! Yung mga barkada ni Kuya? Andito sa bahay? Tss. Aasarin na naman nila ako. Tawa lang sila ng tawa kasama si Grace habang pinapanood kami.


The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon