Chapter 9

129 11 0
                                        

Nag ring na ang bell. Tumayo na kami nila Kuya, Kevin, Jacob, Nathan, Perry, James at Clark. Teka, parang hindi ko ata nakita si Alexandria ngayon. Mas mabuting itext ko na lang siya.


To: My Besty

Bes, where are you? Sabay tayo mag lunch mamaya sa garden ha? Loveyou.


Hindi nagtagal, nag vibrate naman yung phone ko at agad ko 'yon tinignan.


1 message.
From: My Besty

Hindi ako pumasok. May sakit ako. Next time na lang kapag gumaling na ako. Loveyou too. Ingat ka.


Ano?! Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin?


To: My Besty

Sige, punta na lang ako jan mamaya pagkatapos ng klase ko. Pagaling ka.


Pagkatapos ko siyang itext pumunta na ako ng classroom ko. Napansin kong tahimik silang lahat at ako nakinig lang din sa teacher namin. Hindi ko na namalayan, lunch na pala. Wala akong kasabay na kakain ngayon, wala si Alexa.


Pumunta ako mag-isa sa garden at doon kumain ng lunch. Habang kumakain ng lunch. May biglang kamay na humablot sa fried chicken ko.


"Akin na lang ha?" Laking gulat ko nang si Kevin ang kumuha 'non. Nakakainis talaga!


"Ano ba Kevin? Ibigay mo 'yan, nagugutom ako eh." Inis na sambit ko sa kanya at sinubo niya na lang yung fried chicken ko.


"Gutom din ako, bruha." Nakakalokong sabi niya.


"Bahala ka nga jan. Lamunin mo yan. Kahit kanin lang kakainin ko ngayon." Sabi ko sa kanya.


"Princess!" Sigaw ni Jacob habang papalapit sa akin. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong niya. Nagkatinginan lang kami ni Kevin. "Kumain ka na ba, Princess?" Tanong muli ni Jacob sa akin.


"Kumakain pa lang ako Jacob." Sabi ko habang sinusubo yung kanin ko.


"Ikaw Kevin? Dito ka din ba kumakain?" Tanong ni Jacob kay Kevin.


"Oo, ngayon lang." Ngumiti lang si Kevin kay Jacob.


"Sige, punta ka na 'don Jacob. Baka hinahanap ka nila kuya." Sabi ko sa kanya.


"Sige. Ingat ka ah?" Bahagyang ngumiti sa akin si Jacob.


"Salamat. Ikaw din." Sagot ko saka naglakad na papalayo sa amin si Jacob.


Tahimik lang kami ni Kevin. Pagkatapos ng limang minuto, nagsalita siya. "Bruha!" Mas magandang tahimik na lang kesa sa ibubully na naman niya ako!


"Wag mo nga akong tawaging bruha. Ayoko lang naman talagang mag ayos." Walang emosyon na sabi ko sa kanya habang sumusubo ako ng pagkain ko na walang ulam.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon