"Hoy, bruha! Gising na! Malalate ka na!" Sigaw ni Kuya sa akin. Inaantok pa ako eh!
"Mamaya na. Maaga pa!" Sigaw ko din sa kanya saka tumalikod ako sa kanya.
"Ayaw mo ha?" Oo, talagang ayaw ko! Tinakot mo pa ako.
Maya't maya nahulog na ako sa sahig. "Ano ba! Kuya naman eh!" Bwisit talaga siya! Hinila ba naman niya yung bed sheet ko hanggang sa nahulog ako. Ang sakit tuloy ng likod ko! May oras ka din sa akin Kuya.
"Nararapat lang sayo 'yan! Tignan mo 'yang mukha mo, napakapanget!" Tumawa siya ng malakas at lumabas na sa kwarto ko. Napa irap ako sa sobrang inis.
Lumabas na ako sa kwarto ko at kumain ng almusal. Buti naman hindi ako inaasar ni Kuya ngayon. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili pumunta na agad ako ng kotse. As usual, inaasar na naman niya ako. Nakaka badtrip eh! Akala ko ba'y hindi niya 'ko pipikunin ng two months?!
Hanggang sa nakarating kami sa school, nagsisigawan sila. Ano naman kayang meron? Parang dumating ang EXO ha! Pag EXO yan, baka pati ako makatili na din. Pero kapag iba, sa kanila na lang.
Nagtataka ako kung bakit nagmamadali si Kuya. "Oh, Shit! Nahuli na ako." Anong nahuli ang sinasabi niya?
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ikaw kasi! Ang bagal mong bumangon! Ayan tuloy! Hindi na ako nakasama sa banda!" Sigaw sa akin ni Kuya. Nakikita ko ngayon ang inis sa mukha niya.
Teka, banda? Ano namang banda yang sinalihan niya? At saka sino naman ang mga andon at bakit naghihiyawan yung mga babae?
Tumakbo kami ni Kuya sa loob. Si Kuya pumunta ng locker niya para magbihis. Hindi ko na nakita yung suot niya kasi dumeretso agad ako sa classroom. Pagdating ko sa classroom, walang katao tao. Ang naririnig ko lang yung sa Music Hall. Ang daming nagsisigawan. Kung ano man 'yon, hindi na ako pupunta. Mag aaral na lang ako dito kaysa makisigawan don.
Ang tahimik. Ang sarap ng pakiramdam kapag tahimik. Ang sarap din mag aral kapag tahimik at mag isa mo lang. Yung aircondition at relo lang ang naririnig mo sa classroom. Pero minuto minuto naghihiyawan yung mga tao sa Music Hall.
May biglang kumalabog sa pintuan. "Oh, Kevin! Anong problema? Bakit mukha kang adik diyan sa suot mo?" Tumingin ako sa kanya, ulo hanggang paa. "Uso ba yan? Hindi ako updated ah. Maki-uso nga rin." Pang aasar ko sa kanya.
"Wag mo akong niloloko rito. Wala ako sa mood para makipaglokohan sa'yo." Heto na naman siya, parang kagabi lang ang bait bait niya. Jusko, ewan ko talaga sa kanya! Napakabipolar! "Pumunta ka sa Music Hall!" Utos niya sa akin. Teka, bakit naman ako pupunta 'don?
"Eh, paano kung ayaw ko?" Sumeryoso ako nang makita ko siyang seryoso rin. Bad boy na bad boy ang dating niya, nakakatakot!
"Sumama ka sa akin." Utos niya. Ang seryoso niya ngayon. Ano bang problema nito?
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Ficção AdolescenteBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
