Grazziana's POV
"Hoy! Bitawan mo ko kung ayaw mong masapak!" Sigaw ko do'n sa bumugbog kay Kuya dati.
"Matapang ka pa rin hanggang ngayon."
"Bwisit kang kumag ka! Bitiwan mo ako!" Sigaw ko.
Bwisit talaga! Kapag namatay talaga ako dito, mumultuhin kita Kevin. Ikaw ang magbabayad ng kabaong ko. Kasalanan mo talaga ang lahat! Dahil sayo napahamak ako.
"Sinabi kong bitawan mo ako!" Sigaw ko at sinapak ko siya pero mali -- ako ang sinapak.
"Halika na sa van."
"Ayoko! Tulong! Ayoko pang mamatay!" Paghahagulgol ko.
"Bitawan niyo siya." Natigilan kaming lahat sa nagsalita. Nanlaki yung mata ko.
Aba! Bumalik pa ang kumag. Okay na din. Kaysa sa mamatay pa ako. Mahal ko ang buhay ko, ano!
"Kevin. Ang leader ng BNB."
"Sabi ko bitawan niyo siya." Sigaw ni Kevin.
"Eh pano kung ayaw namin? Pahiram muna siya, utos ni Boss Jay." Hinihila ako ng lalaki papunta sa van nila.
"Tulong!" Sigaw ko habang umiiyak.
Sumugod si Kevin at agad niyang sinapak 'yon.
"Hoy bruha! Umalis ka na dito! Bumalik ka sa kotse." Sigaw ni Kevin.
"Pa'no ka Kevin?" Nag-aalalang tanong ko.
"Ako ng bahala dito. Umalis ka na!"
"Hindi! Tutulungan kita."
"Shit! Ang kulit mo!"
Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ko yung tubo na malapit sa akin. Pinalo ko doon sa ulo ng isang lalaki at may biglang sumampal sa akin.
"Gago ka Jay! Wala kang karapatang saktan yang babaeng yan! Tangina mo! Hindi mo alam kung gaano kaimportante sa akin yan! Tarantado!" Pinagbubugbog ni Kevin yung Jay na bumaba naman sa van.
At ako? Importante sa kaniya? Tss, as if!
Nagulat si Kevin nang makita niya ako. "Hoy, bruha! Bumalik ka ng kotse! Di pa ako tapos dito! Kapag di ka bumalik sa kotse, siguraduhin mong magtutuos tayo pagkatapos nito." Sabi ni Kevin habang nakikipagbugbugan pa.
"Paano ka?" Sobrang kulit ko talaga? AAA!
"Ako na ngang bahala! Ang kulit mo naman eh." Sabi niya.
Tumakbo ako papunta don sa kotse niya. Aba! Yung bantay ni Kevin, hayahay yung buhay! Hindi man lang tinulungan si Kevin don! Kanina pa 'to na nasa kotse ni Kevin. Akala ko driver niya.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Dla nastolatkówBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
