Grazziana's POV
"Hay! Ang hirap naman ng mga pinag aaralan!" Reklamo ko at binato yung libro ko kay Alex.
"Hoy! Kung wala kang magawa, wag mong ibato sa akin yang libro mo! Nananahimik ako eh!"
"Eh bwisit ka!" Sigaw ko.
"Bakit ka naman nabwibwisit sa akin aber?!" Nilagay niya yung dalawang kamay niya sa bewang niya.
"Ewan ko!"
Napakunot yung noo niya. Binato ko ng unan yung mukha niya. At ayun, bulls eye!
"Aray naman! Ang sakit!" Hindi ko na lang siya pinansin. Eh kasi nakakainis!
"Kung gusto mong makuha ang Rank 1, mag aral ka ng mabuti. Ako nga, nahihirapan din oh. Pero kinakaya ko. Saka may tiwala ako sayo, alam kong kaya mo yan." Sabi ni Alex habang nagbabasa ng libro. "At hoy bes! Tandaan mo, sinabihan ko na yung tita ko na wag dayain yung grades mo ha?!" Binagsak niya yung libro niya sa lamesa saka siya tumawa.
"Oo, alam ko. Kasi naman eh pero ang hirap ng mga pinag aaralan this finals!"
"Ano ka ba! Ang tali-talino mo eh! Kaya mo yan!"
"Sige na nga! Malapit na ang exam."
After naming mag review dito sa kwarto ko, bumaba na kami ni Alex para makapag-pahinga.
*ding..dong..
"Alex! May tao!" Utos ko sa kaniya dahil nag hahanda ako ng miryenda.
"Wow ha? Galing mong makapag utos bes." Inirapan niya ako.
"Uy! Alex!"
"Asan si Grazz?"
"Wohoo! Grazz?!"
May narinig nalang akong ingay at tawanan sa sala namin. Kaya agad kong tinapos yung ginagawa ko at pinunta yung mga miryenda sa sala.
Pagkarating ko sa sala, nakita ko sina Nathan, James, Perry, Clark, Kevin Bakulaw, Ayesha, at Lexi. Parang may kulang?
"Uy! Asan si Lia?" Tanong ko kay Perry.
"Ewan. Sabi niya hindi daw siya pwede ngayon eh."
"Sige, maupo kayo."
"Hoy manhid!" Biglang sigaw ni Kevz kaya agad naman akong lumingon sa kaniya.
"Oh, bakit?" Tanong ko.
"Hindi mo ako pinapansin." Ito talagang si Kevin, OA na naman.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...