Grazziana's POV
Nagulat ako nang andito si Kuya Kit. Wala akong nagawa kun'di tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.
"Kuya! I miss you na." Sabi ko sa kaniya habang humihikbi. Ang tagal na rin no'ng umalis siya 'no!
"Wag ka nang iiyak, Grazz. E'to naman, andito na nga ang Kuya iiyak ka pa!" Ay ansama ni Kuya. Walang pinagbago.
"Tears of joy nga eh! Tears of joy!" Humiwalay ako sa kaniya. Hinampas ko siya sa braso at inirapan ko siya with cross arms. Psh, bahala siya diyan! Siya na nga lang ang namimiss, ganiyan pa siya.
"Hoy Grazz, i miss you too baby girl." nagulat ako nang halikan ako ni Kuya sa cheeks. Sweet pa rin talaga si Kuya kahit kailan!
Sumabay si Kuya sa akin saka siya naki-tabi kila Kevin. Halata rin ang gulat ng bawait isa. Talagang sinurprise kami ni Kuya sa pag-uwi niya, ha!
After ng ibang games na kaganapan at sayawan, next din i-aannounce ang titles ng bawat isa. Na-excite naman kaming lahat sa ganitong pakulo ng AU. E'to yung mga parang traits na ibibigay sa amin. Kumbaga ayon ang pagkakakilala nila sa amin. Sa dami ba namang kaganapan dito, malamang kilalang-kilala na nila kaming lahat dito. Sa mga issue pa lang na nangyayari dito, natawa ako habang naaalala ang mga nangyayari dito noon. Nakaka excite tuloy malaman kung anong titulo ang ibibigay sa amin.
Nag start ng iannounce at ang pinaka-una pa talagang tinawag ay si Kevin. Binigay sa kaniya yung "Campus Bully". Psh, as usual, simula nang mag aral yan dito, campus bully naman na talaga yan eh. Ako pa nga ang lagi niyang pinupuntirya niyang i-bully.
Sunod na binigyan ng award ay si Clark. Ang binigay naman sa kanya, "Serious-face but sweet lover." Oo, mapapansin mo kay Clark na napaka-seryoso niya. Pero kapag kasama niya yung mga barkada niya, lumalabas yung kalokohan niya. Pero kahit serious face yan, sweet lover din yan, at ako ang saksi. Sobra nga yung pagmamahal na binigay niya sa akin. Hanggang ngayon wala pa din akong nababalitaan tungkol sa love life niya. Pero may tiwala ako sa kaniya, makakapag-moved on din siya or naka-moved on na nga. Natatawa na lang ako pag naiisip ko yung mga moments namin noon. Hindi ko lubos maisip na nagkagustuhan kami noon ne'tong matalik na kaibigan namin ni Kevin. Ang daming nangyari but look at me now, kay Kevin lang pala ang bagsak.
Ang binigay namang titulo kay James ay, "Cassanova Prince". Natawa nga kaming lahat ng ibigay sa kaniya yung titulong yon. Wala nang bago ro'n! Lahat ng taga-AU, kilala talaga siyang playboy, ano! Tapos habang nasa stage si James, tawa lang siya nang tawa, binigyan naman ni Ayesha si James ng 'paki-explain' look. Nakakatawa talaga sila!
Sumunod naman si Perry, "Mr. Childish" ang binigay sa kaniya. Sa lahat lahat ng ibibigay sa kanya, childish pa talaga? Halata naman eh, pero sobra naman kung mag mahal, alam naming magkakaibigan yan.
Kay Nathan naman, "Expert-sa-kalokohan" ang binigay sa kaniya. Lahat kami ay nagtawanan. Ang ingay na nga namin dito sa table namin eh dahil sa mga titles na yan.
"Madaya! Si Kevin kaya 'yon! Assistant niya lang ako!" Nako! Dinamay pa si Kevin. Kalokohan talaga ni Nathan oh.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Novela JuvenilBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
