What? Wattson pala si Ate Jin? Galing din pala siya sa isang mayamang pamilya!
Teka, Wattson siya?
"Kapatid ko si Clark." Ngumiti sa akin si Ate Jin. Kapatid niya pala si Clark! Parang gusto kong tumalon sa tuwa dito. May nalalaman pa kasi akong paselos selos dito eh. Kapatid niya lang pala.
"Talaga ba?! Hindi mo man lang nakuwento sa akin na kapatid mo pala si Clark, ate!" Hinampas ko ng mahina si Ate Jin.
"Kayo ang magkaklase dapat kayo ang nagkukuwentuhan!" Nag down smile si Ate Jin at mukhang inaasar kami ni Clark. Natahimik lang kami nang sandali ni Clark.
"Sige, una na po ako Ate Jin. Clark! Uwi na ako, ha! Ingat kayo!" Pagbabasag ko sa katahimikan. Nagpaalam na rin ako dahil wala naman akong gaanong sasabihin pa. Kumaway silang dalawa habang naglalakad ako at nakita ko si Ate Jin na siniko si Clark. Nag uusap silang dalawa pero hindi ko na marinig 'yon dahil medyo malayo na ako.
Bigla akong napahinto. Naalala ko palang wala akong sasakyan ngayon. Ayoko kasing sumakay sa kotse ni Kuya. Magkaaway ba naman kami lagi! Mas magandang maglakad na lang ako. Ay, wag na! Mamaya may mga mangtrip na naman sakin sa daan. Mahirap na.
"Paano ba yan?! Wala pala akong sasakyan!" Inis kong bulong sa sarili ko. Napa-padyak pa ako dahil sa inis.
"Ihatid na lang kita, Grazz. Tutal ayaw ko pa namang umuwi, okay lang ba sayo?" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Clark.
"Andiyan ka pala! Sus, huwag na. Mag cocommute na lang ako." Pagtanggi ko kay Clark. Mas pinapairal ko ka-pakiputan ko, eh.
"Hindi, okay lang . Ihahatid na kita pauwi sa inyo. Baka mapahamak ka pa. Tulad ng nangyari sayo no'n. Buti na lang at ando'n si Kevin no'ng mga oras na 'yon." Pagpupumilit ni Clark.
"Ah! Naalala ko, may sasakyan pala akong dala, naka-park." Tumawa ako ng pilit dahil hindi ko na alam ang idadahilan ko. Wala naman akong sasakyan at isa pa, hindi ko alam ang parkingan ng mga sasakyan dito sa loob ng Ashton University. Saan nga ba?!
Natawa siya ng mahinhin dahil sa sinabi ko. "Alam kong wala kang sasakyan." Sabi niya sa akin. Gano'n na ba ako kahalata sa pagsisinungaling ko?!
"Paano mo nalaman?" Tanong ko.
"Napalakas kasi yung bulong mo kanina." Tumawa ulit siya. Napakamot na lang ako sa batok ko.
May binulong siya pero hindi ko 'yon naintindihan. "Ano?" Tanong ko.
"Wala. Tara na." Aya niya sa akin.
Pumunta na kami sa parking lot Ashton. Wala kaming kibohan hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
Ang ganda ng black car niya. Manghang mangha ako sa itsura nito. Mukhang mamahalin yung sasakyan niya. Malamang, galing sa mayamang pamilya.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Подростковая литератураBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
