Nathan's POV
"Kevin, umamin ka nga? May gusto ka din ba kay Grazz?" Naibuga niya yung tubig na iniinom niya at si Clark naman nabulunan sa kinakain niya.
"Wala!" Sigaw sa amin ni Kevin at si Clark tumingin ng masama kay Kevin. "Problema mo Clark? Wala akong gusto do'n!"
"Wala daw? Tss." Pangasar pa ni Clark.
"Oh, bakit ka defensive?" Asar ni James.
"Di nga."
"Halata ka na Kevin!" Pang aasar pa ni Perry.
"Mga gago kayo! Di ko type yon. Di ako kasing babaw pumili ni Clark ng babae. Tss." Umiling si Kevin.
"Sa paningin niyo mababa ako. Pero para sa akin feeling ko ako na yung pinakamataas." Pagmamayabang pa ni Clark.
"Tss." Umirap si Kevin.
"Patunayan mo nga na hindi mo gusto si Grazz?" Tanong ko.
Napalaki naman ang mga mata ni Kevin. "A-anong gagawin ko?" Tanong niya.
"Ibully mo siya. Yung napakalala. Parang sa ginagawa mong pang bubully sa mga lalaki. Pero bawal mong bugbugin." Sabi ko. Ewan ko lang sa kaniya.
"Wag naman! Di naman sa gano'ng paraan." Sabi ni Clark.
"Wag kang mag alala Clark. Ang role mo dito, ikaw ang magtatanggol kay Grazz." Sabi ko.
"S-sige."
"Wala namang ganiyanan." Sabi ni Kevin.
"So, gusto mo talaga si Grazz?" Tanong ko.
"Hindi nga! Oo na! Gagawin ko na. Miss ko naman na kasing ibully siya eh." At tumawa siya.
"Gano'n lang kasimple!" Sambit ni Perry.
"Pre! Anong balak mo mamaya kay Grazz?" Tanong ni James kay Clark.
"Gago ka Clark. Anong masama ang binabalak mo sa kaniya?" Hinila ni Kevin yung kwelyo ni Clark at napatawa nalang kami ng napakalakas. "Anong tinatawa tawa niyo?"
"Ano bang iniisip mo Kevin?" Pang asar na tanong ni Clark.
"W-w-wala!" Nauutal na sabi ni Kevin at binitawan niya yung kwelyo ni Clark.
"Ang ibig kong sabihin, ano ang balak ni Clark kay Grazz mamaya para mapatawad siya ni Grazz! Kevin talaga kung ano-ano ang iniisip! Tss." Paliwang ni James.
"Just watch it later. Basta tutugtog tayo ng banda mamaya sa stage. Sabihin niyo na lang kay Kit. Ge, mauna na ako." At umalis na si Clark.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
