Grazziana's POV
"Gising na." Dinig ko ang boses ni Kevin.
Tinignan ko yung phone ko para malaman kung anong oras na. "Kevin naman! 5:00 AM palang. Ang aga naman! 6:00 AM ako nagigising." Reklamo ko at natulog ulit ako. Nakita ko yung pagkagulo niya ng buhok niya.
Matapos ang 30 minutes nagising ako at bumaba. Nakapikit pa rin yung mata ko habang nag lalakad. Pumunta ako sa kusina para mag luto ng breakfast. Alam ko namang hindi gagalaw yan si Kevin eh. Siya yung master dito eh. Master ng kasamaan.
Nakapikit pa rin ako habang kinukuha yung kawali. "Hoy, gising na." Bulong ni Kevin na hindi ko alam ay lumapit na yung mukha niya sa mukha ko. Nanlaki yung mata ko sa ginawa niya dahil konting konti na lang magkakahalikan na kami.
Ngumiti siya at tinulak ko nang mahina lang. "Kain na. Naka luto na ako." What? Wait. Tama ba yung narinig ko? Siya? Ang nag luto?
"Ikaw nag luto?" Nagtataka kong tanong.
"Oo naman. Masarap yan. Tikman mo."
"Ma'am, ngayon lang po yan. Kaya tikman niyo na po." Bulong sa akin nung katulong nila na may dalang labada. Halata namang ngayon lang 'to eh.
"Manang naman!" Sigaw ni Kevin sa katulong nila.
"Hoy! Kevin! Bastos ka ah! Wala kang galang." Sabi ko.
"S-sorry. Sorry din manang."
Umalis na yung katulong nila. "Hoy, bruha! Umupo ka at kumain ka na."
"Opo sir!" Sigaw ko at umupo na kami ni Kevin para kumain. "Asan nga pala yung mga magulang mo at mga kapatid mo? Yung magandang chics? Asan yon?" Tanong ko.
"Pumasok na."
Naalala ko si Tita Josephine. Nakita ko kasi siya kagabi eh. Matanong nga. "Kevin, si Tita Josephine. Nakita ko kagabi. Anong ginagawa niya dito?"
Nabulunan si Kevin sa tanong ko. "Kilala mo si Mommy?" Napatayo si Kevin. Mommy? Mommy niya?
"Ano?! Mommy mo? Si Tita Josephine?!" Mapatayo din ako sa gulat.
Umupo na ulit kami. "Akalain mo yon? Kilala ko mama mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Baka nakilala mo lang siya nung nag-entrance exam ka?" Oo, doon ko nakausap si Tita Josephine.
Pero wait. Ibig sabihin, "Ha? Mommy mo si Tita Josephine? Yung anak ni tita Josephine ang principal sa school. Ibig sabihin kayo ang may-ari ng school?"
"Hindi mo alam yon?!" Gulat na tanong niya.
"Kaya pala yung anak ng may-ari ng school, at ikaw yun right? Ay malayang gawin lahat ang gusto niyang gawin? Bravo! Ang galing." Sarcastic kong sabi. Naiinis ako kasi malamang malakas pala talaga siya sa eskwelahang yon.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
