Chapter 1: The Story Begins

4.2K 89 0
                                    

Calixta' s POV

Kringggg... Kringggg... Kringgg..
Arghhh! Napa baliktad ako ng bangon ng mag ring ang alam clock ko. Nakaka bwisit naman eh sinabi ba tong impaktang tumatawag sakin!? Nakakainis naman eh!.

Inis na sinagot ko ang tawag.

"Hoy!CALIXTA KAYTLYN SAXONS baka naman gusto mong kumilos at gumayak na baka malate nanaman tayo sa bago nating school abay ayaw kong mahuli sa first day of school natin ah nakakahiya kaya!". Ahh! Buwisit tong bubwit na to napaka sakit talaga ng tenga ko pag kausap ko to akala mo naka lunok ng mega phone sa sobrang lakas ng boses.

Sinubukan ko ulit na matulog pero di ko na magawa nakaka inis naman puyat ako kagabi dahil nag gig kami sa bar ni kuya Ryker.

Kaya bumangon na ko at gumayak na para sa school namin sa Gutternburg University nga pala kami mag- aaral ngayon dahil ayaw na namin sa dati naming school noon andaming mga bitch kala mo naman ang ganda ganda dang pa-panget naman hahaha!.

Makapang-lait hano.

Nag pakilala na ba ako? Ayy di pa pala si Jaelyn kasi eh nambubulabog . So Ayun na nga mag papakilala na ako. Ako nga pala si Calixta Kaytlyn Saxon
18 years old leader ako ng Hot mess well isa lang naman kami sa sikat na banda dahil sa sobrang galing namin mahagin ba? Ganun talaga hahaha may pinag manahan eh char!

After 123456789 years natapos na ko sa pag gayak medyo natagalan pa ko dahil nag lagay ako nang simpleng make up like duh! ayoko na mag mukang panget sa school no.

So andito na ko sa Gutternburg University infairness maganda ah yayamanin although na mayaman naman kami pero etong University nakaka lula sa sobrang ganda as in.

"Hoy! Kayt antagal mo girl ah inamag na kami sa kaka antay sayo grabe antagal mo talagang gumayak!".syempre kung may mega phone may napaka kulit gaya ni Colleen

"Oii! Di naman ako late ah! Maaga lang kayo!"naka pout na sabi ko dahil api nanaman ako.

"Di daw siya late woii! Malapit na kayang mag time mag hahanap pa tayo nang room hano!".ahh! Ansakit talaga sa tenga netong si Jaelyn.

Si Jaelyn kasi ang malakas amh boses saaming mag kakaibigan na akala mo naman naka lunok ng mega phone.

"Lulubay kayo oh pag susuntukin ko kayo napaka sakit niyo sa tenga lalo ka na Jaelyn!". Ayan sumabat na si kuya Gab este si Gabriella ano ba naman yan napaka siga talaga kahit kailan.

Di na lang kami kumibo ni Jaelyn kasi baka nga suntukin kami niyan kasi pag sinabi niya gagawin niya talaga.

"Tara baka nga mahuli pa tayo sa first subject natin hahanapin pa natin yung room natin". Sabi ni Zav

Kaya di na kami tumutol at hinanap na namin ang bulletin board kaya lang dahil nga bago kami di namin makita kita ang bulletin board buti na lang at nakakita nang mapagtatanungan.

" Uhm! Excuse me pwede bang mag tanong kung saan yung bulletin board bago lang kasi kami dito eh". Tanong ko dun sa lalaki pero infairness ah ang gwapo at halatang anak mayaman.

Pero imbis na sagutin ako ay di ako pinansin bagkus ay dumeretcho lang siya ng lakad, Ano to kuya bastusan lang ah. Tss!

"Ah! Miss yung bulletin board dyan lang oh deretchohin niyo lang yan saka kumaliwa kayo nandun na yung hinahanap niyo". Hay buti pa tong si kuya mabait di katulad nung isa gwapo nga snobero naman.

"Ah! Sige kuya salamat" Sabi ko nang naka ngiti.

Kaya lumakad na kami patungo sa bulletin board, nang makita namin yun ay dumeretcho na kami sa room namin. Teka? San ba namin hahanapin to ah dibale na lang mag tatanong na lang ulit ako.

 Book1: Personal Assistant Ng Buhay Ko(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon