(A/N: Flashback po ito sa kung pano napatawad ni Colleen ang kuya niya at daddy niya)
**
Colleen's POV
*FLASHBACK*
Napag isip isip ko na kung papatawarin ko ba ang may sala kung bakit nawala si mommy.
Kagabi napanaginipan ko si mommy sabi niya sakin
" Colleen patawarin mo ang may sala palayain mo ang sarili mo sa nakaraan hanggang sa muli maging masaya ka anak tanggapin mo ang kuya at daddy mo palayain mo ang puso mo sa galit gaya nang pag papalaya ko sa galit ko sa daddy mo Mahal na Mahal kita anak hanggang sa muli".
Papatawarin ko na ba? Kaya ko na ba?.
Nandito na ako sa tapat nang bahay nila daddy at nag da-dalawang isip kung papasok.
Tatalikod na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin si daddy.
Nag mature lalo ang itchura ni daddy naiiyak ako dahil sa matagal na panahon na di ko siya nakita..
Na ngungulila ako..
"Anak". Isang salita pero libo libo ang tuwa ko nang marinig ko yun mula sakanya after how many years na dinig ko na ulit na sabihin niya yun.
"Daddy". Umiiyak na sambit ko at sinalubong siya nang yakap.
Patawarin...
Kaya ko na..
Gusto ko nang makawala sa nakaraan..
Kaya mag papatawad ako..
" Anak.. I'm.. I'm sorry.. sorry iniwan ko kayo nang mommy mo.. I'm sorry..sorry.. dahil sakin nawala ang mommy mo..di ko aakalain na ang pag iwan ko sakanya at .. magiging dahilan nang pag kawala niya.. anak.. hinanap kita.. antagal kitang hinanap.. dahil gustong gusto na kitang makasama.. I'm sorry anak dahil wala ako sa tabi mo nung mga panahon na nag luluksa ka.. I'm sorry ang dami kong nagawang mali anak.. pero hayaan mo.. hayaan mong bumawi si daddy.. babawi si daddy sa lahat nang panahon na di kita nakasama anak.. babawi ako.. babawi si daddy anak..".umiiyak na sabi niya umiyak ako nang umiyak habang naka yapos sakanya.
Nayakap.. nayakap ko na ang ama ko..
" Daddy.. an daya mo...iniwan mo ko.. iniwan mo yung princess mo..inwan mo ko sa murang edad.. pero daddy.. sobrang sakit.. sobrang sakit dahil wala ka sa mga panahon na wala akong karamay.. Wala ka sa mga panahon na kailangan kita.. wala ka sa mga panahon na tuwing sasapit ang birthday ko.. Wala ka sa mga panahon na sasapit ang mga espesyal na araw.. pasko.. bagong taon.. birthday.. an daya daddy.. nagalit ako sobra.. sobra akong nagalit sa ginawa mo sinisi kita.. dahil sayo nawala si mommy.. kinulong ko ang sarili ko sa galit.. dahil sayo daddy.. pero alam mo ba kung bakit ako nandito?.. kasi sabi ni mommy patawarin kita... Na palayain ko ang sarili ko sa galit.. kaya.. nandito ako daddy.. promise me.. promise me..babawi ka". Umiiyak na sambit ko sakanya tumango tango siya.
Lumipas ang oras at nasa ganon kami pwesto mag kayakap ngunit tumahan na kami.
Gumaan ang pakiramdam ko dahil dun wala na akong mabigat na nadarama.
Naka laya nako.
Pumasok kami sa loob nang bahay nila at naabutan namin si kuya Kenji at ang mommy niya.
Yumuko ako at biglang nagulat nang bigla akong akapin nang mommy ni kuya Kenji.
" I'm sorry Colleen sa mga ginawa ko I'm sorry kung kami ang pinili nang daddy mo I'm sorry kung sa murang edad mo palang naranasan mo nang tumayo mula sa sariling mong mga paa.. I'm sorry Colleen sana mapatawad mo ko". Sambit niya yumakap naman ako sakanya at dinama ang yakap nang isang Ina.
BINABASA MO ANG
Book1: Personal Assistant Ng Buhay Ko(Completed)
RomanceAno ang mangyayari kung mag kaka-salungat ang landas ng limang lalaking mga kinikilalang bad boys, at limang grupo ng mga babae na mga palaban. Ano nga ba ang mangyayari sakanila kung sila ay mag tatagpo ang kanilang landas, magiging palaban pa rin...