Chapter 4: Memories that never been forgotten

1.3K 52 0
                                        

Jaelyn's POV

Hi, I'm Jaelyn Quinn Wishart, 17 years old. Sabi ng mga kaibigan ko, ako daw yung "megaphone" ng grupo kasi ang lakas daw ng boses ko. Ewan ko ba, para sa'kin normal lang naman.

Matagal na rin mula nung nangyari ‘yon — yung pinakamasakit na parte ng buhay ko. Hanggang ngayon, parang di ko pa rin kayang harapin o kahit maalala man lang. Balita ko nga, aalis na raw siya, mag-iibang bansa. Pero kahit pa man, parang di ko pa rin natatanggap yung ginawa niya.

Flashback

Naghihintay ako kina Kayt sa school noon nang biglang may tumama sa ulo ko. Ang sakit nun — parang bola. Ay, bola nga. Volleyball.

“Ouch,” daing ko, habang hinihimas yung ulo ko. Biglang may tumakbo papalapit.

“Miss, sorry! Di namin sinasadya. Napalakas yung palo ng ka-team ko. Pasensya na talaga,” sabi ng isang lalaki — gwapo, promise. Wait… siya ba yung captain ball ng team nila?

“Ah, okay lang. Ingat na lang sa susunod,” sabi ko, habang hawak pa rin yung ulo ko.

“Sorry talaga,” ulit niya, kitang-kita sa mukha niya na sincere siya.

“Okay lang,” sagot ko. “Ikaw ba yung captain ng The Warriors?”

Ngumiti siya. “Oo, ako nga. By the way, I’m Bryant Matthew Strite. Ikaw?”

“Jaelyn Quinn Wishart,” sagot ko habang nakangiti. Grabe, ang gwapo niya talaga.

“Okay lang ba na Quinn ang itawag ko sa’yo?” tanong niya.

“Sure,” sabi ko, sabay ngiti.

Umalis siya na may ngiti sa labi. Sakto namang dumating sina Kayt. Pinakilala ko si Matthew sa kanila, at sa hindi ko inaasahang pangyayari, naging magkaibigan kaming lahat. Minsan sumasama siya sa lunch namin, minsan hinahatid niya pa ako sa bahay.

Makalipas ang ilang buwan, umamin si Matthew na may gusto siya sa’kin. Tatlong buwan siyang nanligaw. Sa totoo lang, hindi ko na rin kayang itago yung nararamdaman ko para sa kanya, kaya sinagot ko na rin siya.

Fast forward

“Babe, mahal na mahal kita. Pangako, di kita iiwan. Aalagan kita hanggang sa pagtanda natin,” sabi ni Matthew habang nakatitig sa’kin.

“Promise mo ‘yan, ha?” sagot ko, habang nakangiti.

Excited ako kasi first anniversary namin. Nagplano talaga ako para dito. Nagpabili ako ng mga lobo at cake sa mga kaibigan ko. Pagdating ko sa gym, hinanap ko agad si Matthew.

“Tyron, nakita mo ba si Matthew?” tanong ko sa isa sa mga ka-team niya.

“Ah, nasa locker room ata,” sagot niya.

Kinakabahan pero excited ako habang papunta sa locker room. Pero pagpasok ko… parang gumuho yung mundo ko.

Si Matthew… kasama si Yvette. Magkalapit. Nagkikiss.

Para akong nawalan ng lakas. Nabitiwan ko yung dala kong cake at mga lobo. Napatulala lang ako habang tumutulo yung luha ko. Napalingon si Matthew at si Yvette sa’kin.

“Oh, Matthew, darling, andito na pala yung play doll mo,” sabi ni Yvette habang nakangisi.

“Matthew, ano ‘to?” mahina kong tanong. “Diba sabi mo mahal mo ko? Diba sabi mo di mo ko iiwan? Bakit ganito?”

Huminga siya ng malalim. “Quinn, minahal kita. Pero nung dumating si Yvette… siya yung nagbigay ng kulay sa buhay ko. Pasensya na, pero kalimutan mo na lahat ng pangako ko sa’yo. Kasi siya na yung tutuparin ko ng mga ‘yon.”

“Matthew, mahal na mahal kita. Pakiusap… wag ganito,” umiiyak na ako. “Pakiusap, Matthew…”

“Wala na tayo, Quinn,” diretsong sabi niya. “It’s over.”

Tinalikuran niya ako at umalis silang dalawa ni Yvette. Naiwan akong nakaupo sa sahig, umiiyak, habang gumuho ang mundo ko.

End of Flashback

Hanggang ngayon, di ko pa rin maintindihan kung paano niya nagawa ‘yon. Ang tanga ko talaga.

May gig kami mamaya sa bar ni Kuya Ryker. Piano ulit ang gagamitin ko — ironic, kasi si Matthew yung nagturo sa’kin tumugtog noon.

Ang hirap tanggapin na minsan, yung mga akala mong totoo, hindi pala. Yung mga taong akala mong hindi ka sasaktan, sila pa pala ang mag-iiwan sa’yo ng pinakamalalim na sugat.

 Book1: Personal Assistant Ng Buhay Ko(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon