Zav's POV
Maaga akong nagising ngayon kaya ang ending maaga din akong gagayak para sa school.
Ma iba nga ako guys di pa rin talaga ako makapaniwala na kapatid ni ate Zaylee yung Zayden na yun kasi ang layo nang ugali nila sa isa't isa.
Hayy buhay nga naman! So ayun na nga guys yung nangyare nung nag gig kami sa bar alam niyo ba yung feeling nang napaka awkward.
Kasi yun yung naramdaman namin nun eh si ate Zaylee na kuwento ng kuwento sa mga pinag gagagawa nang kapatid niya sa pam-bubully pati na rin nang mga kaibigan niya.
Pero ang sabi ni ate Zaylee di naman daw talaga ganun ang ugali ni Zayden pag nasa good mood ito.
Hay nako! Stop na nga yan baka masira ang magandang araw ko dahil dyan ang ganda ganda ko kaya este ang ganda ganda nang mood ko eh.
Andito na ko guys sa school kaya bumaba na ko nang kotse at dumiretcho nang cafeteria dahil nandun daw sila.
Nang maka rating na ko sa cafeteria ay agad ko rin silang natanaw kaya nilapitan ko na ang mga ito.
"Oh! Zav andyan ka na pala himala at na late ka ata ngayon kadalasan ay si Kayt ang nahuhuli satin ah".Sabi ni Colleen habang gumunguya.
"Eh! Kasi naman tinatamad ako ngayon guys".tamad na sabi ko sakanila ewan ko ba basta feeling ko wala akong gana ngayon.
"Hay nako! Ikaw talaga Zav kahit kailan ka talaga oo!".iiling iling na sabi ni Kayt.
Pag kayari din namin na kumain sa cafeteria ay pumunta na kami sa room namin dahil baka mahuli pa kami sa klase feeling terror pa naman yung first subject namin.
Pag dating namin sa room ay nadatnan namin na nag kakagulo ang mga kaklae kong lalaki at ang mga babae naman ay walang ibang ginagawa kundi ang mag lagay nang kung ano ano sa muka.
"Ano ba naman yan naturingan na mga prinsipe pero sila pa tong nangunguna sa pang gugulo". sarcastic na sabi ni Jaelyn tama naman siya eh naturingan na mga prince pero puro pambubully lang ang alam.
Nagulat ako ng may biglang bumato nang papel sakin agad ko naman na iniikot ang paningin ko para hanapin ang bumato pero di ko makita kung sino.
Pamaya maya ay may bumabato nanaman ng nilibot ko ulit ang paningin ko ay nakita ko ang kinabubusitan kong lalaki.
Damon Porter Mandala.
Di ko na sana siya papatulan ng biglang nambato nanaman siya ng papel this time medyo masakit na ang pag kakabato.
Agad agad akong tumayo at padabog akong lumapit sa isang impaktong lalaki.
"Ano ba problema mo ah!? Bakit ka nambabato? Kung wala kang magawa sa buhay mo pakamatay ka na".galit na sabi ko grabee mapupuno ako sa lalaking to napaka.
"Well una sa lahat wala akong problema at bakit ako nambabato kasi wala akong magawa kaya nambabato na lang ako at mas lalong ayokong mag pakamatay baka ikaw gusto mo mauna ka na susunod ako haha!".Nang aasar na sabi nito at sinabayan niya nang ngisi.
Pakiramdam ko bigla akong namutla sa galit sa sinabi niya wala siyang magawa kaya mambabato na lang siya huh! Kung siya ay nambabato ako naman ay---
*PAK*
"WHAT THE FUCK! Bat ka nambabatok ah!? Nasisiraan ka na ba? Shit ansakit".galit na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Book1: Personal Assistant Ng Buhay Ko(Completed)
RomanceAno ang mangyayari kung mag kaka-salungat ang landas ng limang lalaking mga kinikilalang bad boys, at limang grupo ng mga babae na mga palaban. Ano nga ba ang mangyayari sakanila kung sila ay mag tatagpo ang kanilang landas, magiging palaban pa rin...