(A/N: eto po yung pag papatuloy nang pov ni colleen na kung saan ay itawagan siya ni Kenji para makipag kita)
Axel's POV
Naihatid ko na si Colleen sa lugar kung saan sila mag kikita sa katunayan nga ay isa sa mga restaurant namin iyon.
Di pa ako umaalis dito bagkus ay pumasok ako sa loob netong office namin na kung saan makikita at maririnig mo ang pag uusapan nilang dalawa.
Di nag tagal ay dumating na si Kenji..
Sa totoo lang alam ko na kung sino si kenji at kung anong connection niya kay Colleen pero nanatili akong tahimik
Dahil gusto ko si Kenji mismo ang mag sabi sakanya nang lahat at para malinawan na si Colleen.
Alam kong magagalit siya sakin dahil di ko sinabi sakanya ang mga nalalaman ko pero alam kong naiintindihan niya ako.
Naging seryoso ang pag uusapan nila nakita kong napa kunot noo si Colleen sa mga sinasabi ni Kenji.
"Anong— anong i-ibig mong sabihin?". Nauutal na sambit ni Colleen at napa iling iling na siya.
Lumuha siya sa mga nalalaman niya alam kong di pa ito ang tamang oras para lumabas ako.
Kaya pinanood ko muna silang dalawa.
**
Colleen's POV
Naihatid na ko ni Axel dito sa restaurant at di ako mapakali dahil kinakabahan ako.
Pano... Pano kung totoo ang hinala ko?.
Pano kung may connect siya sa buhay ko?.
Pano kung isa siya sa mga tao sa buhay ko na ng pahirap sakin?.
At mas lalong bumilis ang tibok nang puso ko dahil nandito na... Nandito na ang pinaka hihintay ko... Dumating na siya.
" Good evening Colleen". Bati niya sakin at ngumiti ". Good evening". Balik na sambit ko sakanya.
Tumawag naman siya nang waiter at umorder na muna nang pagkain at di rin naman nag tagal ay dumating na ito kumain muna kami bago sumabak sa seryosong usapan.
Nasa kalagitnaan palang kami sa pagkain nang bigla siyang nag salita ". Colleen I have something to tell you". Sambit niya at pinaka titigan ako nang masinsinan sa mga mata.
Kinabahan naman ako dahil dun eto na malapit na ... Malapit ko nang malaman ang katotohanan.
"Ok". Kinakabahang sambit ko huminga siya nang malalim at muling nag salita ". I know I told you my story and I told you that I'm looking for my step sister to say sorry for all the cost that we've been done to her life ". Sambit niya dumoble ang kaba ko ". Colleen I'm sorry for what happen to your life I'm sorry.. Hindi.. Hindi namin intensyon na agawin sainyo ang daddy mo.. I'm sorry.. kami.. kami ang dahilan kung.. kung bakit nawalan ka sa murang edad.. ng mommy.. at daddy.. I'm sorry". Naluluhang sambit niya naguluhan ako I'm sorry? Kenji? Daddy?.
"Anong— anong i-ibig mong sabihin?". Nauutal na sambit ko sakanya ". Colleen ikaw... Ikaw yung step sister ko.. at.. ako.. ako ang kuya mo.. ". Sambit niya kuya? Siya? Haha funny.
Umiling iling ako sakanya at napaluha na all this time nasa malapit lang pala ang dahilan nang pag kawala nang mommy ko.
"Kuya? Sorry? Para san pa? Bakit? Sa tingin mo ba maibabalik nang sorry mo yung... Mommy ko?.. Yung buhay na meron ako nun?.. sapat ba yang sorry mo para mabawasan ang malalim na sugat na iniwan niyo dito sa puso ko?.. sapat ba yan para ibalik mo ko sa pag kabata ko sa kung saan may mga masasayang alala -ala ako kapiling ang mga magulang ko?.. Ang swerte mo!.. dahil sa murang edad mo di mo naramdaman Ang naramdaman ko nun.. di mo alam ang pakiramdam nang nawalan nang magulang". Sigaw ko sakanya at panay ang hingi niya nang sorry ". I'm sorry Colleen bata palang ako nun at wala akong magawa para pabalikin ang daddy mo sainyo... Maski ako nagalit ako sa sarili kong ina dahil dun.. at hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili kong ina dahil sa pag kamatay nang nanay mo.. I'm sorry Colleen .. Sana patawarin mo ko kapatid ko.. please bigyan mo ko nang pagkakataon para makasama ka.. para makasama ko yung bunso ko... Please at pangako.. pangako... Babawi ako.. babawi si kuya sayo " . Lumuluhang sambit niya tumayo ako at lumayo sakanya.
" Babawi? Para san? Para sa mga kagaguhan na ginawa niyo nun?.. I'm sorry pero kahit kailan hinding hindi ko kayo mapapatawad kayo... Kayo ang may kasalanan kung.. kung bakit nawala ang mommy ko sakin.. okay lang sana kung si daddy lang eh.. pero si mommy hindi..sana na isip niyo na may pamilya na si daddy nung una palang.. Sana na isip mo yung mga panahon na tuwing sasapit ang birthday ko nag aabang ako sa gate namin at aasahang uuwi si daddy.. tumawag ako sa daddy ko nun at pi napapunta ko siya sa bahay dahil miss na miss ko na siya .. pero ano yung sinabi niya.. sorry.. sorry dahil kailangan niyo siya.. pitong taon palang ako nun pero sobrang sakit na... Kaya simula nun wala na kong kinikilalang ama.. at lalong di kita tatanggapin bilang kuya ko.. dahil napaka makasalann niyo!". Sigaw ko sakanya at muling tumakbo papalabas.
Nagulat ako nang biglang may humiklat sakin at ipinalupot sa bewang ko ang mga kamay niya.
Pabango palang kilala ko na kung sino to..
" I'm sorry di ko sinabi sayong alam ko na kung sino si kenji". Sabi ni axel alam niya na umalis ako sa pag kakayakap sakanya "Alam mo na kung sino siya? Bakit di mo sinabi sakin!?". Tanong ko sakanya.
Sasagot sana siya pero iniwan ko siya gusto ko munang maka pag isip isip sobrang sakit lang nararamdaman ko.
**
Nagising ako sa sikat nang araw na tumama sa muka ko ginawa ko ang morning routine ko.
At naisipan kong dalawin si mommy sa cemetery dumaan muna ako sa flower shop para bumili nang bulaklak.
Nang makarating na ko sa puntod nang mommy ko ay bumuhos ang rumaragasang luha sa mata ko.
Napa luhod ako habang hawak hawak ko ang lapida niya.
Maria Behati Thislewood
" Hi mommy! Alam mo ba mommy... Sobrang sakit ... Nalaman ko na mommy.. kung sino si kenji... Siya pala mommy.. yung unang anak ni daddy... Mommy.. sana di mo ko iniwan para may karamay ako.. haha.. andaya mo mommy iniwan mo ko ihh.. diba sabi mo walang iwanan..mommy ...miss na miss na kita... Mommy ganito ba talaga kasakit?... Namalaman ang totoo?.. dapat pala mommy di ko na lang ginusto na malaman ang totoo... Mommy pano... Pano kung di mo ko iniwan?.. gagabayan mo kaya akong puksain ang kirot dito sa puso ko?.. mommy di ko na kaya.. mommy sama mo na lang ako.. mommy?". Umiiyak na sambit ko at nagulat ako nang humangin at kasabay nun ay ang pag yakap sakin nang isang pamilyar na tao.
" Shh!!love shh!! I'm sorry love ". Sambit ni Axel ". I'm sorry di ko sinabi sayo na alam ko na dahil gusto ko si kenji mismo ang mag sabi sayo kung sino siya". Pag papatahan niya sakin niyakap ko siya nang mahigpit pinapatahan niya ako at nang kumalma ako ay bumitaw na ako sakanya.
" I'm sorry love". Muli niyang sambit sakin". Hm? Ok lang.. I'm sorry Axel.. di ko pinakinggan kagabi yung paliwanag mo.. sobrang naguluhan lang talaga ako nun.. pero salamat dahil di mo ko iniwan..sa laban ko ito".sambit ko sakanya at muli ko siyang niyakap.
" Shh! It's ok.. iloveyou". Sabi niya napangiti ako dahil dun ". Iloveyou". Sagot ko sakanya.
Kahit papano naging magaan ang pakiramdam ko dahil nanjan si Axel sa tabi ko.
Sana maging maayos na ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/213383662-288-k139105.jpg)
BINABASA MO ANG
Book1: Personal Assistant Ng Buhay Ko(Completed)
RomanceAno ang mangyayari kung mag kaka-salungat ang landas ng limang lalaking mga kinikilalang bad boys, at limang grupo ng mga babae na mga palaban. Ano nga ba ang mangyayari sakanila kung sila ay mag tatagpo ang kanilang landas, magiging palaban pa rin...