Chapter 68: Triple xXx

610 25 0
                                    

Zayden's POV

Gabi na pero di pa ko maka tulog iniisip ko pa din yung mga kahulugan na nangyayari samin ngayon.

At isa lang ang pwedeng may gumawa nito isang grupo lang na naka laban namin.

Triple xXx Gang ano ba talagang gusto niyo samin / sakin.

May nag pop sa cellphone ko.

Iniisip mo ba kung pano.. kung pano mo ko mapapatay? Oh kung pano... Pano ko kayo papatayin? Sino ba ang uunahin ko? Ikaw ba o ang mga kaibigan mo o baka naman ang pinaka mamahal mong babae wag kang mag alala Zayden malapit na malapit ko na kayong patayin mag antay ka lang

Tangina di ba sila lulubay pamaya maya naman ay tumawag ang mg text na to.

" Putangina mo! Sino ka ba ah? Tangina mo tigilan mo na kami pwede ba!". Sigaw ko dun sa lalaki ". Oh! Nakalimutan mo na agad kung sino ako? How sad naman Zayden pagkayari mo akong lumpuhin? Kakalimutan mo na lang ako nang ganun?". Sabi nung lalaki.

" Tangina mo max! Lubayan mo ang mga kaibigan ko at ang girlfriend ko!". Sigaw ko ulit.

" Sige papayag ako! Basta makikipag hiwalay ka sa girlfriend at magiging girlfriend mo ang kapatid ko". Sabi naman niya. " Gago ka ba? Hindi.. hindi ko hiwalayan ang girlfriend ko!". Sabi ko sakanya mag kamatayan na pero di ko hihiwalayan si kayt.

" Sige! Madali lang akong kausap pero siguraduhin mong kaya mong protektahan ang mga kaibigan at girlfriend mo laban sakin". He said and after that the line dead.

Kinakabahan ako di para sa sarili ko dahil kaibigan at girlfriend ko na ang nakasalalay dito.

Gagawin ko ang lahat ma protektahan ko lang silang lahat kahit kamatayan ko pa.

**

Nagising ako dahil sa ingay nang phone ko ". Zay! Asan ka na? Aba! Tanghali na Nixon Zayden at ipapaalala ko lang sayo na may pasok! Kaya tumayo ka na dyan! Hala ! Sige maligo ka na!". Sabi ni kayt napa ngiti at napa iling na lang ako dahil dun.

She missed me much eh...

Nang makarating na ko sa room ay kinurot ako sa tagiliran ni kayt ". Ouch! Baby!!!". Angil ko sakanya pinanlakihan naman niya ako nang mata ". Bakit!? May angil ka!". Sabi pa niya napa ngiwi naman ako dahil dun

Sinong mag aakala na ang bad boy nakatulad ko ay under de kulambo pala nang girlfriend niya.

Nagulantang kaming lahat dahil biglang umalingaw-ngaw ang alarm.

Nag katinginan kami nang mga kaibigan ko at isa lang ang ibig sabihin nito!

May naka pasok na kalaban.

Isa isa naming pinapalabas ang mga studyante habang ang mga girlfriend naman namin ay pinabantayan namin sa limang spy namin.

Kampante ako dahil alam kong magaling makipag laban ang mga ulupong na yun kaya safe sila kayt.

" Mag handa kayo!". Sigaw ko sakanila di nag tagal ay lumabas nang mga kampon nang demonyo.

Nag umpisa kaming mag laban puro suntok iwas ang ginawa namin.

At nang mayari namin sila ay patakbo akong pumunta sa HQ pero bakit ganito yung nararamdaman ko parang may kakaiba.

Lumingon ako sa likod ko at di ko nakita ang apat kaya mas dumoble ang kaba na naramdaman ko.

Nang makarating na ko sa HQ ko nakita kong naka bukas ang pintuan at dun nakita ko wala sila.

Wala ang spy at higit sa lahat wala sila Kayt.

Napa suntok na lang ako sa pader dahil dun at unting unting lumalabas ang mga luha sa mata ko.

Kasalanan ko to...

Kasalanan ko lahat nang ito..

Biglang tumunog ang cellphone ko at dun nakita ko ang unknown number.

" Kamusta? Zayden? Na tuwa ka ba? Nag enjoy ka ba sa munting handog ko sayo?". Natatawang pahayag niya ". Hayop ka! Ibalik mo sila!". Sigaw ko sa kausap ko.

" Tsk!, Tsk! Zayden binalaan kita sabi ko sayo ihanda mo ang sarili mo dahil may magaganap na ganito, ansabi mo naman kaya mo silang protektahan pero bakit nasa kamay ko na sila? Ganun ka ba kapabaya? Hahaha! Pumunta ka mamayang gabi kung saan mo ako binugbog at bawiin mo silang lahat!". Huling sabi niya

Hayop ka Max wag kang mag kakamaling saktan ang mga kaibigan ko lalong lalo na ang girlfriend ko.

**

Nang mag gabi na ay pumunta ako sa tagpuan namin may mga dala akong armas pero naka tago ito.

Lumabas ang mga tauhan niya ". Maligayang pagbabalik Zayden!". Bati sakin ". Asan ang girlfriend at mga kaibigan ko!?". Tanong ko sakanila ". Chill! Zayden makikita mo din sila tara na sa loob!" . Sabi niya at sumunod naman ako.

Nagulat ako nang biglang akong suntukin sa tagiliran ". Tangina!". Angil ko.

"Pst! Tama na yan! Dalhin si Zayden sa harapan ko!". Sabi ni Max at dinala nila ako sa harap hawak hawak ko ang tagiliran ko dahil sa sakit.

" May mga bagay tayong pag uusapan zayden, at kung gusto mong mailigtas ang mga kaibigan at ang minamahal mo shota susunod ka sa mga gusto ko". Sambit niya nag tagis ang bagang ko dahil dun.

". Hinding hindi ako susunod sayo!". Sigaw ko habang nag pupumiglas ako sa hawak ng mga alagad niya tumawa siya ng pagak.

"Sinasabi ko sayo zayden susunduin mo ko kung hindi* sabay tutok ng baril kila kayt* patay sila at sisiguraduhin ko na ang lahat ng bala ng baril ko ay babaon sa mga ulo nila. Lalo na dito"  Sambit ni Max habang nang gigil na itinuro ng baril si Kayt.

". Wag!". Sigaw ko at tumawa siya ng pag kalakas lakas ". Isunod sakin si Zayden may pag uusapan kami". Sambit niya sa mga tauhan niya dinala naman nila ako.

**

Nanlalambot ako habang tinitignan ko ang aking mga kaibigan at girlfriend na nakaratay sa hospital bed.

Naramdaman ko naman na gumalaw ang kamay ni Kayt kaya napa tingin ako dito.

Tumayo ako at tinignan siya ".Z-zay...t-tubig". Paos na sambit niya agad naman akong kumuha ng tubig at inalalayan siyang uminom.

".O-okay ka na ba? M-may masakit ba sayo ano? Sabihin mo sakin. Teka tatawag ako ng doctor". Natatarantang sambit ko akmang aalis na ko ng hilahin niya ko pabalik.

". I'm okay.. masakit lang katawan ko". Sambit niya tumingin ako sakanya at nararamdaman ko na nang gigilid ang luha ko.

Hinawakan ko ang muka niya ". I'm sorry di kita na protektahan... I'm useless boyfriend..for not protecting you from danger..it's my fault..I'm sorry..". Iyak na sambit ko sakanya niyakap naman niya ako at hinagod ang likod ko.

"  It's not your fault.. I know you did your best to protect me.. it's ok don't cry...I'm ok". Sambit niya hinalikan niya ang mata ko habang lumuluha ako.

Tumingin ako sakanya ". Iloveyou". Sambit ko ngumiti siya sakin ". Iloveyou too". Sambit niya.

Niyakap ko siya eto na ang huling araw na mayayakap at mahahagkan kita kayt.

Pro-protektahan ko kayo.

Pro-protektahan kita.

Ikaw ang kahinaan ko kayt at di ako papayag na mapahamak ka ng dahil sakin gagawin ko ang lahat maging ligtas ka lang.

Kahit ikakasasakit ko at ikawawasak ko gagawin ko ang lahat ganun kita kamahal Kayt.

Iloveyou to the galaxy and beyond.

 Book1: Personal Assistant Ng Buhay Ko(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon