Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League of Angels
AiTenshi
Part 9: Gutom
"Ano ba iyan, nakakabingi naman yung tili ng mga bortang to! Ano baaaa?! Mga bakla! Mag si tigil nga kayooo!!" ang sigaw ni Cookie noong itali kami sa isang luma at mabahong silid kasama ang iba pang dinukot. Masangsang ang amoy dito, may bahid pa ng mga dugo at naiwang lamang loob ng tao. "Pwe! Ang baho tang inaaaaa!" ang dagdag pa niya.
"Huwag kayo maingay! Walang makakarinig sa inyo dito!" ang bulyaw ng isang lalaking may hawak na kutsilyo, may dugo ang mga kamay, nakasuot ng apron na animo matador na taga katay ng baboy. Sa kanyang kaliwang kamay ay may isang supot na punong puno ng lamang loob ng tao.
"Ang dami naman niyan kuya, hindi ba kayo nag sasawa? Puro lamang loob ng tao ang kinukuha ninyo. Saan niyo ba dinadala iyan?" tanong ko.
"Ito ba? Kulang pa nga ito. Mas maraming lamang loob pa ang kailangan namin." ang sagot niya sabay hila sa isang lalaking dinukot. Ang pinaka borta pa ang kanyang kinuha. "Ikaw ang susunod!" ang wika nito.
"Ay! Jusko si Gwapongversatop! Jusko malaki etits niyan! Sayang yan!!" ang wika ni Cookie.
Hinawakan niya sa damit ang lalaki at kahit nag wala ito o nag titili pa ay wala itong nagawa dahil nakatali ang kanyang paa at kamay na parang isang baboy.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay pumasok ang isang lalaki at isa isa kaming sinukluban ng sako sa mukha. "Ang sabi ni Boss dalhin na raw lahat sa silid ng katayan!" ang wika nito kaya naman lahat kami ay hinila sa isang silid na hindi namin malaman kung saan, basta pasangsang ng pasang sang ang amoy habang kami ay isa isang hinihilahod.
"Ipasok na mga iyan!" ang wika nila at dito ay isa isa kaming ipinasok sa isang silid. Nakatali at noong inalis ang mga suklob sa aming ulo ay natagpuan namin ang aming mga sarili isang malaking lugar, para itong under ground na parking lot na mas masangsang pa ang amoy kaysa doon sa taas.
Nanatili kaming nakatali at nakasalampak sa sahig. Pilit kaming kumakawala ni Cookie dahil batid namin na mayroong kakaiba sa lugar na ito. Masyadong tahimik, masyadong maraming dugo ang naka kalat sa paligid. "Ang bato?" ang tanong bulong ko sa kanya.
"Nandito sa bra ko." ang wika niya.
"Kailangan nating makuha iyan." ang bulong ko kaya naman pumihit ako paharap sa kanya.
"Isubsob mo yung mukha mo sa dibdib ko at kunin mo yung bato!' ang utos niya.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakawala mula sa pag kakagapos ang isang borta at dito ay mabilis kinalagan ang kanyang mga kasama. Lahat sila ay nag papanic at lumabas na ang pagiging binabae nila dahil ang kanilang kilos lumambot na sa takot. "Hoy mga bakla, kalagan niyo rin kami!" ang wika ni Cookie.