LOA S4 Part 102: Umakaku

1K 79 7
                                    


PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Feb 15, 2020

"Pinag sama sama ko ang kapangyarihan ng aking mga anak upang makabuo ng isang malakas na sandatang gugunaw sa inyong lahat." ang wika niya. Nag liwanag ang sahig na aming kinatatayuan at dito ay nagulat kami noong maging tubig ito. Kulay puti at nag liliwanag ng husto.

Mula sa payapang tubig ay nag simula itong gumalaw..

Hanggang sa makalipas ang ilang sandali ay tumaas mula sa naturang tubig ang isang malaking bulaklak..

Kulay pink ito at pamilyar ang uri..

Ito ay isang Lotus. Ang sagradong bulaklak ng mga Hindu..

Part 102: Umakaku

"Tama ito ang pinaka magandang bulaklak sa aming Planeta noon. Ang tawag dito ay Umakaku o mas kilala sa inyong mundo bilang Lotus. Ang Umakaku ay sumisimbolo sa pagiging banal, sa kagandahan at sa kalinisan ng adhikain ng isang nilalang. Ito rin ay ginagamit bilang simbolo ng mga banal na kasulatan sa iba't ibang panig ng kalawakan. Maaaring hindi gaanong pinapansin ang mga bulaklak ng Umakaku sa inyong planeta ngunit ito ay ang pinaka banal na bulaklak sa lahat. Ngayon ay alam niyo na." ang wika ng ama sabay tapak sa tubig, ni hindi siya nabasa at nanataling naka lutang dito. Kitang kita rin ang kanyang taas na halos mapatingala na lamang kami.

"Nardo, hindi ba nasabi sa iyo ni Rashida na ang pinaka paborito kong bulaklak ay ang mga Umakaku?" ang tanong niya.

"Hindi, ni minsan ay hindi niya binanggit sa akin ang tungkol sa kataas taasan Diyos, maliban nalang noong nag simula na akong mag tanong." sagot ko.

"Marahil, kaya ayaw niyang banggitin ang kahit na anong tungkol sa akin ay dahil ayaw niyang may kilalanin kayong Diyos maliban sa kanya. Kung sa bagay si Rashida ang aking alibughang anak. Matapos kong ibigay ang kanyang kapangyarihan at talino ay umalis na ito sa aking piling at saka namuhay sa kanyang sarili. Hinihintay ko na siya ay mag balik loob sa akin ngunit hindi niya iyon ginawa kaya't kamatayan ang naging kapalit ng kanyang pagiging alibugha." wika nito.

"Hindi ganoon si Rashida. Sadyang inialay lamang niya ang kanyang buhay at pag mamahal sa aming planeta! At hanggang ngayon ay ginawa niya ang kanyang makakaya para lamang maging ligtas ang kanyang mga nilikha. Mabuti si Rashida at mali ang iyong mga tinuran!" sagot ko.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon