LOA S3 Part 70: Fans Day

1.2K 92 8
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Part 70: Fans Day

JONAS POV

"Bakit ang traffic sa gate manong Fred?" tanong ko noong huminto ito sa tarangkahan ng bahay.

"Wait lang sir Jonas, inaalis pa ng mga katulong yung mga bulaklak at regalo sa gate." sagot ng driver.

Sumilip ako sa bintana at dito nga ay nakita ang katakot takot na bulaklak, stuffed toy, chocolate at mga poster sa gate. "Ang lahat po ng iyan ay galing sa mga fans ni Sir Jorel, lalo kahapon na binalita itong naaksidente sa probinsya. Ano po ba talaga nangyari kay sir? Bakit isang linggo siyang nasa espesyal na clinic ni Doctor Duran?" pang uusisa ng driver.

"Naaksidente si kuya doon sa taping niya sa province. Doon kasi sa clinic ni Duran ay mayroong espesyal na equipment na ginagamit para sa fast recovery ng pasyente. Syempre kailangan ni Kuya ng mabilisang pag galing dahil masisira ang schedule niya." paliwanag ko bagamat kaya nag tagal si kuya sa clinic ay halos napinsala ng husto ang kanyang katawan.

Tandang tanda ko pa noong makita ko ang kalagayan nila ni Nai. Durog ang kanilang mga katawan at halos naliligo sa sarili nilang dugo. Parehong walang malay at halos wala na ring buhay. Iyon ang unang beses na natakot ako sa kalagayan ni Kuya Jorel, hindi ako nakakatulog ng maayos o nakaka kaing mabuti hanggang hindi stable ang kanyang kondisyon. Mga bagay na ayoko nang balikan pa dahil natatakot ako kapag sumasagi ito sa aking isipan.

Pag pasok ko loob ng bahay ay naabutan ko si kuya na nakagayak. "O kuya, aalis kana ba? Okay kana ba?" ang tanong ko sabay yakap dito

"Oo naman, alam mo naman na mas ultra regen ang aking katawan hindi nga lang ito ganoon nakabilis katulad ng kay Bart o kay Cyan. Pero maayos na ako." ang wika niya sabay pakita ng kanyang abs at muscles sa braso. "Teka, bakit hindi ka pa naka gayak?"

"May lakad ba tayo?" tanong ko.

"Oo naman, alam mo ba may lakad dapat sina Narding, Ace at iba pa ngayon doon sa probinsiya ng Balrik nila Nai pero hindi ako sumama." ang wika niya

"O, sayang naman iyon kuya. Sana sumama ka at dapat isinama mo ako para makapag laro kami ni Ace ag Nai."

"Hindi ako sumama, nag cancel ako dahil gusto kitang masolo. Miss na miss kita alam mo ba iyon? Baka sabihin mo ay wala akong kwentang kuya dahil puro misyon at trabaho ang inaatupag ko." ang wika niya sabay sukbit sa aming bag. Agad niya akong hinila sa kanyang sasakyan at pinasakay doon.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon