LOA S3 Part 84: Pylo

1.2K 101 6
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Feb 4, 2020

Part 84: Pylo

JOREL POV

"Nasaan si Nardo?" ang tanong ni Bart noong makita ko itong tumatakbo sa gilid ng nasisirang mga gusali.

"Nakikipag tuos kay Black Nardo, nag abot sila doon sa karagatan at bigla nalang nawala. Marahil ay inilayo ni Narding ang kalaban upang hindi mapahamak ang mga taong naka sakay sa barko." ang sagot ko sabay lipad at isang malakas na suntok ang iginawad ko sa kalabang lobo na noon ay hinahabol si Ace sa loob ng mga gumuhong gusali.

Ang aming kalaban ay hindi ordinaryong lobo (werewolf) lamang dahil balot ng kalasag ang kanyang katawan at mayroong matinong pag iisip. Kulay orange ang mga mata at may bakal na sungay sa kanyang ulo. Asul ang kanyang balahibo at may mga kuko na gawa sa bakal.

Maya maya ay nakita kong tumatakbo si Ace sa kalaban at mula sa kanyang likuran ay lumabas ang daan daang bomba na tumama sa katawan nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maya maya ay nakita kong tumatakbo si Ace sa kalaban at mula sa kanyang likuran ay lumabas ang daan daang bomba na tumama sa katawan nito. Hindi na ako nag dalawang isip, lumipad ako sa kanilang kinalalagyan at gumuhit ang malakas na laser sa aking mga mata dahilan para mas lalong sumabog ang paligid.

Lumaban ang lobong si Pylo sa aming atake, ipinakita niyang kaya niyang indahin ang anumang pag atake gamit ang kanyang malakas na katawan kaya ang mga bomba at laser sa aking mata ay bale wala lang rin at hindi siya napurohan ng husto.

Mabilis na tumakbo sa amin ang halimaw at bago pa ito makalapit ay humarang si Bart sa aming harapan. Muli ito nag summon ng dalawang higanteng sawa na may bakal na kaliskis at ito ang sumagupa sa nag aamok na kalaban.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon