PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 4
AiTenshi
Feb 18, 2020
Part 105: Parusa ng Ama
ACE POV
SYSTEM ERROR!
WARNING!!
Ito ang mga salitang nag flash sa aking mata kasabay ng pag bulwak ng dugo sa aking bibig. Hinila kami ni Alpha palapit sa kanya at sabay sabay kaming sinaksak ng mga kakaibang sibat na lumabas sa kanyang katawan. Shock na shock kami sa nangyari.
Nasa ganoong posisyon kami noong gumalaw ang kamay ni Nardo at nag liwanag ito. Sumabog ang enerhiya sa harap ni Alpha at dahil sa lakas ng pwersa ay tumilapon ang aming katawan at nahugot ito mula sa pag kakatarak. Pero bago ako tuluyang tumilapon ay nag iwan ako ng bomba sa hita ng kalaban at noong tinangay na ako ay pinasabog ko dito dahilan para mawala siya sa balanse at mapaluhod.
Bulagta ang aming mga katawan sa lupa. Duguan kami lahat at ngayon ay parang lantang gulay na nilipad sa iba't ibang direksyon.
Tumayo ang kalaban at lumutang ang paa niya sa lupa..
"Bilang inyong ama ay bibigyan ko kayo ng pag kakataong umuwi at tumakas. Ang kailangan niyo lang gawin ay lumipad pabalik sa inyong planeta at hayaan akong burahin ang lahat." ang wika niya habang lumulutang sa aming harapan.
"Hindi pa kami nababaliw para gawin iyon. Bago kami mag tungo dito ay binuo at itinalaga namin sa aming mga sarili na mag tatagumpay kahit ano ang maging kapalit nito." ang wika ni Nardo habang bumabangon mula sa pag kakabulagta.
"Hindi nga kayo mag tatagumpay, at kahit na anong gawin niyo ay imposibleng matalo ninyo ang isang nilalang na katulad ko. Inaaksaya niyo lamang ang nalalabing mga oras sa inyong buhay." ang wika niya. Maya maya ay umangat ang duguan katawan ni Nardo sa ere at para itong hinila ng isang malakas na pwersa palapit sa kanyang harapan. "Nardo, ngayon mo tanggapin na hindi kana gaanoon kalakas, hindi ba't umaasa ka lamang sa kapangyarihang ipinag kaloob ni Rashida? At ngayong nawala na iyon ay takot na takot ka na at pakiramdam mo sa iyong sarili ay mahinang mahina ka." dagdag pa niya.
"Hindi, mali ka doon." gumalaw ang kamay ni Nardo at hinawakan ang kamay ni Alpha na naka sakal sa kanyang leeg. "Kung alam mo ang lahat, dapat ay alam mo rin na.. na.. na hindi ako basta basta sumusuko." at biglang bumuga ng malakas enerhiya ang kanyang medalyon sa dibdib tumulak sa kalaban paayo. Hindi ito inaasahan ng kanyang katunggali.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...