LOA Part 11: Liwanag

1.5K 115 3
                                    

Poster by: Accel Villalobos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Poster by: Accel Villalobos

********

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League of Angels

AiTenshi

Dec 19, 2019

Part 11: Liwanag

Mahimbing ang tulog namin ni Bart dulot ng matagal na pag niniig. Nakayakap ako sa kanyang hubot hubad na katawan, naka dantay ang aking hita sa kanyang medyo matigas na pag kalalaki habang ang kanyang kaliwang kamay naman ay naka yakap sa akin. Tahimik ang gabing iyon, payapa at walang kahit anong ingay maliban tunog ng aircon sa aming silid.

Malamig ang buong paligid ngunit maya maya ay naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng kakainit sa aking likuran kaya naman iminulat ko ang aking mga mata at dito ay nakita kong nag liliwanag ang bato, sa pag kakataong ito ay kulay ginto ito at nag lalabas ng kakaibang kisap.

Lumutang ang bato sa aking harapan at walang ano ano ay pumasok ito sa aking bibig at gumapang sa aking lalamunan patungo sa dibdib. Nanatili ang malakas na liwanag doon hanggang sa unti unting mag liyab ang aking katawan at lumabas ang kalasag dito.

Hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari ngunit mas lalo pang binalot ng liwanag ang aking katawan at dito ay naging isa akong enerhiya na animo laser na lumabas sa bintana at sumibat palipad sa kalangitan. Sa kalaliman ng gabi ay nag liyab ang aking kalasag at mabilis akong lumipad patungo sa labas ng mundo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mahiwagang bato, basta ang aking katawan ay parang may sariling buhay at kahit anong pag pigil ko dito ay kusa pa rin akong lumilipad..

Makalipas ang ilang sandali ay natagpuan ko ang aking sarili sa labas ng kalawakan sa harap ng mismo ng maliwanag na mundo. Natingin ako sa ibabaw ng daigdaig at hindi ko alam kung bakit kung ako naririto.

"Narding.." boses ni Rashida sa aking likuran.

"Rashida? Bakit? Ikaw ba ang nag patawag sa akin dito?" tanong ko.

"Ako nga Narding. Naninibago ka ba? Ako na ang gumagabay sa iyo mag buhat noong mawala ang anghel na si Nardo. Natakot ka ba?" ang tanong niya.

Umiling ako. "Hindi naman. Batid kong importante ang ating pag uusapan kaya't dito mo ako pinatawag tama ba?"

"Oo. Tungkol ito sa pinaka malaking hamon na inyong kakaharapin sa hinaharap. Galing ka na roon hindi ba?" tanong niya.

"Oo, at pinigil mo kami. Binalik mo kami dito sa orihinal naming oras dahil hindi biro ang aming makakalaban. Ang sabi sa akin ng mga taga planteng Yurya ay bababa ang kataas taasan Diyos para wakasan ang lahat ng nilikha nila dito sa kalawakan. Nakaka lungkot lamang dahil maagang namatay sina Asis at Gene." ang tugon ko.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon