Cover Photo by JustinMichaelHaTell
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
AiTenshi
Jan 9, 2020
Part 24: Ugigi
KAPITAN JUHO POV
Nag liwanag ng husto ang katawan ng kalaban. At dahil madilim ay kitang kita ang kanyang kumikinang na katawan habang nakabalot ng kakaibang awra ang paligid nito dahilan para kami ay mapa atras at masilaw.
"Ano ba iyan! Mag babago lang ng anyo ay shining shimmering splendid pa!" ang reklamo ni Cookie. Naka akap ito sa isang malaking batong naka usli dahil itinutulak ng kung anong malakas na pwersa ang aming katawan palayo.
Mula sa kakaibang liwanag ay naging hugis malaking bulaklak ito naka sara. Kumikinang na mas lalo pang nakaganda sa madilim na paligid. Maya maya ay tinagay na si Tibur kaya naman itinarak ko ang aking espada sa lupa at hinila ito sa braso. "Ang tagal naman ng transformation niya! Jusko 30 mins na siyang nag papalit ng anyo! Ang arte arte!" ang sigaw ni Tibur.
Nanatiling naka tikom ang bulaklak at ang mga kinang nito ay humahalo sa hangin na parang mga glitters na nag liliparan. "Pollen" marahil ang tawag dito bagamat may kakaiba itong enerhiya na nag papabigat at nag papahina sa aming kalamanan hanggang sa maya maya ay kusang bumitaw ang aking kamay at nag pagulong gulong kami sa lupa, tumama ang aming mga katawan at ulo sa mga batuhan dahilan para lalong madamage ang aming mga suit.
"45 minutes na pero nag ttransform pa rin siya! Umuwi nalang tayo at tumakas! Talo na tayo sa flower nyaaa! Parang si Lunox na naging epic skin!" ang sigaw ni Cookie habang bumabangon.
"Walang daan pauwi, inaayos pa nila Gun ang portal. Sa ngayon ay wala tayong magagawa kundi ang lumaban at manatiling buhay!" ang wika ko.
"Eh Diyos iyan. Wala tayong laban. Kumbaga Mythical Glory na iyan! Tayo ay warrior palang!" wika ni Cookie.
"Kayo yung warrior! Ako ay legend na!" ang sagot ko. "Maaaring Diyos nga siya pero libong labanan at digmaan na ang aking naranasan at naipanalo. Siguro ay sapat na iyon para sabihin malakas rin ako." dagdag ko pa.
"Ako rin, noong nag digmaan ang Araknia at Iranya ay nandoon ako at lumaban! Keribels ko ring makipag bugbugan!" ang hirit ni Tibur. "Eh ikaw Cookie anong laban ang naipanalo mo?"
"Ha? Eh ano, miss Gay Barangay 2016! At noong nanalo ako ay biglang may bumagsak na kometa sa Earth!" ang pag mamalaki nito.
"Senyales iyon na magugunaw na ang mundo dahil nanalo ka. Wala bang maganda sa barangay ninyo? Paano kang mananalo e kahit Binibining Undas at Binibining Alipunga ay hindi ka papasa! Vaklang towweee!!" ang sagot ni Tibur.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...