Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 3
AiTenshi
Part 64: Ang Karanasan ni Nai
NAI POV
"Huwaagggg! Lumayo kaaa sakin!!!!!" ang sigaw ko sabay balikwas ng bangon sa aking higaan. Halos paulit ulit na nag babalik sa aking isipan ang masaklap na pang yayari doon sa daigdig ng Wakgol. Ang akala ko ay na overcome ko na ang takot sa mga bangkay pero noong makabalik ako dito ay mas lalo pa itong tumindi dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay nakikita ko ang mga mukha nila, ang mga dugo, ang masangsang na amoy na parang nabubulok na karne ng baka, ang kilabot ay hindi pa rin humuhupa. Mabilis namang nakarecover ang aking katawan mula sa matinding pinsala sa tulong ni Sin na noon ay halos naubos rin ang lakas sa pag suporta sa akin.
Masaya ako dahil maayos ang kalagayan naming lahat, iyon ang balita ko mula kay kuya Gun. Tiyak na isang malaking reunion ang magaganap sa aming pag kikita. Kanya kanyang baong kwento ang mga kasama ko at excited na akong marinig ito. Alam kong ngayon ay nag papagaling na sila at hahanda para sa huling pag huhukom.
Medyo maayos na ako bagamat hindi pa rin ako tuluyang nakakalimot, hindi pa magaling ang ibang parte ng aking katawan at kung minsan ay kumikirot pa rin ito.
"Master Nai.." ang pag tawag ni Kohei sabay bukas sa pinto. "Master okay lang po ba kayo?"
"Nanaginip lang ako. Nasaan si Kuya?"
"Nandoon po sa baba, kumakain ng almusal. Hindi kana niya ginising upang makapag pahinga ka."
Bumangon ako at bumaba sa kama, inalalayan ako ni Kohei pero bumalik na rin ang aking lakas kaya maayos na rin akong nakaka kilos. Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba sa dine in area, doon ay nakita ko si Kuya Rui na kumakain mag isa habang ang mga kasambahay ay naka bantay sa kanya. Noong makita niya ako ay agad siyang tumayo at inalalayan ako para makaupo sa kanyang tabi. "Kuya kaya ko naman. Wala ka yatang pasok?" tanong ko.
"Nag leave ako ng 1 week. Nandoon naman sila Mond sila na ang bahala sa mga naiwan ko."
"Bakit ka nag leave? Akala ko ba ay ang kompanya ang top priority mo?"
"Kaya ako ang take ng vacation para makasama ka. Saka ikaw talaga ang top priority ko. Kahit na panget ka at kulay bayag ay mahal kita."
"Muntik na akong mamatay doon sa demensiyon ni Senbon tapos pag uwi ko dito ay aasarin mo na naman ako." ang pag mamaktol ko dahilan para matawa siya at ginusot ang aking buhok.