Ang Tadana ni Narding 3 League Of Angels S2 Cover
*******
AUTHOR'S NOTE:
Maraming salamat sa mga sumuporta sa SEASON 1 ng ATNN3 LOA. Ang s1 kasi ay introduction lang, kumbaga ito yung explanation kung paano iikot yung story. Ngayon nandito na tayo sa bagong season at ito yung part na pinaka mahirap gawin sa lahat. Halos dalawang fantasy book yata ang katumbas nitong season 2, ganoon siya kabusising gawin at literal talaga na sumakit ang ulo ko. Pero sabi ko nga sa inyo ay napasubo na ako kaya dapat ay tapusin ko.
Originally, ang plan ko lang talaga dito ay nasa 50 plus na chapters lang, kaso sa daming characters, sa dami ng scenes ngayon ay umabot na siya sa 104 parts at hindi pa rin ako tapos. So far itong LOA ang matatawag kong record breaker dahil ito ang pinaka mahabang nagawa ko sa history ng pag susulat ko at ito rin ang pinaka mahirap sa lahat.
Ang regular o ordinaryong kwentong BXB ay naisusulat ko at natatapos ng one month lang. Pero itong LOA sinumulan ko noong Dec 10, 2019 at hanggang ngayong Feb 17, 2020 ay hindi pa rin tapos sa akin. Ganoon siya kahirap gawin, gayon pa man nag papasalamat ako sa Gift of talent and intelligence sa ibinigay sa akin. Ang dami kong stress dito, talagang dumating sa punto na drain ako at wala na akong maisulat kaya nag stop ako ng ilang araw para marefresh ang ideas ko.
Ano ba ang dapat abangan dito sa Season 2?
Dito ay makilala niyo na ang iba pang God na anak ni Alpha, at syempre nonstop action pack and excitement ang handog ng season na ito. Pero sana kung anuman ang mabasa ninyo ay huwag niyo masyadong dinidibdib lalo na yung mga bashers ko na sinasabing satanista nga raw ako at sinisira ko ang mga nakalagay ng Bibliya. Ito lang talaga ang hinihingi ng story line at dito talaga na nakilala ang LOA.
Salamat sa suporta!
Godbless..
Ai Tenshi
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...