LOA Part 25: Ang Lihim ni Rexus

1.3K 85 3
                                    

Cover Photo by: JustinMichaelHaTell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover Photo by: JustinMichaelHaTell

********

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

AiTenshi

Jan 10, 2020

"Juskooo! Narding!!!!!!!" ang iyak ni Cookie sabay tawag sa pinsan.

"Iyak pa more!! Katapusan niyo naaa! Wala pang nakakaligtas sa tsunami ng tamod galing sa aking mga kanyon!!" ang sigaw ng kalaban.

Sumabog ang katas at bumagsak sa lupa, higante ito at lahat ng magapangan ay nalulusaw..

"Huwag kayong aalis sa tabi ko!" ang sigaw ko sabay tarak ng aking espada sa lupa.

Part 25: Ang Lihim ni Rexus

KAPITAN JUHO POV

Ilang segundo bago tumama sa amin ang isang malaking alon ng asido ay mabilis kong itinarak sa lupa ang aking espada, dito ay nag liwanag ang mga shield devices na itinanim ko kanina at nag labas ito ng kulay asul na barrier na animo salamin. Parang naging maliit na kahon ito na humarang sa aming paligid.

Sumalpok sa amin ang katas na asido, kakaiba ang amoy at kitang kita namin kung paano mag spark at masunog ang buong barrier. Para itong isang maliit na bahay na nilamon ng tsunami bagamat ang aming harang ay gawa sa mataas na teknolohiya, ginagamit ito ng aming barko sa tuwing maraming kometa ang nakakasalubong sa kalawakan o kaya sa tuwing kami ay makikipag laban sa iba pang sasakyang pang kawalakan ng ibang planeta.

Bago matapos ang naturang pag atake ay nalusaw ang ilang bahagi ng barrier, unang pag kakataon na nakita kong nasira ito.

At noong tuluyang matapos ang malaking tsunami ay halos nanlaki ang aming mata dahil ang buong paligid ay nahukay na animo binagsakan at dinaanan ng isang malaking bulalakaw. Umuusok ang buong paligid, ang mga bato ay natunaw. "Ayos lang ba kayo?" ang tanong ko.

Halos na trauma sina Tibur at Cookie sa pang yayaring iyon, kapwa sila naka tulala at napaka nga nga nalang. "Gising! Hindi ito ang oras para matulala!" ang wika ko sabay tapik sa kanilang mga pisngi.

"Aaahhhhhh!" ang sigaw nila at nag katinginan pa ang mga ito kaya mas lalo pa silang natakot sa isa't isa. "Aahhhh halimawwww!!" ang sigaw ni Tibur habang nakaharap sa mukha ni Cookie.

"Aswang! Pusit! Pogita! Talangkaaa!! Hipon!!" ang pag ganting sigaw rin ni Cookie

"Tama naa! Ligtas na tayo! Tumayo na kayo diyan bago pa siya muling umatake." ang wika ko sabay turo kay Ugigi na nag susuklay kanyang mahabang buhok at naka upo sa pinaka malaking kanyon ng pabukaka na animo nangangabayo.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon