Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Photocover by Accel Villalobos
******
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Seaon 2
AiTenshi
Jan 22, 2020
"Nakatala ba sa mga kasulatan kung gaano kalakas si Enki? Ano ang kakayahan niya?" tanong ni Irano.
"Ayon sa mga teksto, si Enki ang diyos na nag huhulma sa mga planeta. Bago maging isang planeta ang isang butuin ay malaking bilog muna ito ng lupa at saka lalagyan ng gas. Ang ibig sabihin ay saklaw niya ang kapangyarihan ng lupa. Pero iyon nakatala lamang dito, wala pang nakaka kita kay Enki. Basta para sa amin isa siyang masamang nilalang at isang malupit na taga gunaw." ang paliwanag ni Enoch sabay sinop sa mga lumang akyat na kanyang hawak.
Part 50: Pag Lalakbay
NARDING POV
"Magandang umaga Narding, Irano. Gising na pala kayong dalawa. Kamusta ang tulog ninyo?" ang bungad ni Enoch noong makita kaming naka lumabas sa kanyang dampa. Ang totoo nun ay hindi kami nakatulog dahil masyadong malamig ang gabi at puno ng pangamba ang aming isip. Kapwa kami nag aalala ni Irano sa aming mga kasamahan na nasa ibang portal.
"Maayos naman Enoch. Masyado ka yatang nalasing kagabi?" ang biro ko dahilan para matawa siya. "Ewan ko ba, tuwing mag piging dito sa nayon ay napapasobra ang aking pag inom. Marahil ay ganito ko nalang ipinag diriwang buhay." ang sagot niya sabay abot sa amin ng tinapay at isang mainit na inuming kakaiba ang lasa. "Alam niyo, simple lang naman ang pangarap ko sa nayon ng Tuakatung, yung mabuhay kami ng malaya, yung walang nangangamkam ng aming mga ani. Ngunit imposible iyon dahil naroon ang Kastilyo ni Vista. Siya ang pinaka mapangyarihang tao dito sa kontinente."
"May sarili na kayong patubig, sa tingin ko ay wala na ring rason para kayo ay mag bigay 60 porsientong ani sa kanila." ang tugon ni Irano.
"Takot ang aming nayon sa kapangyarihan ni Haring Vista, marami siyang kawal at wala kaming lakas para labanan iyon. Kaya't nagagawa nila ang kanilang nais para mapasunod kami sa kanilang mga kagustuhan." tugon niya habang naka tanaw sa bukirin.
Tahimik..
"Narding, ang tanging nais ko lang ngayon ay makitang masaya ang aking mga ka nayon. Sila ang aking pamilya at sila lamang ang mayroon ako. Buong buhay ko ay inilaan ko sa pag tulong at pag tayo bilang pinuno nila. Ngayon nakita kong maayos ang kanilang kalagayan ay wala na akong mahihiling pa." ang pag basag ni Enoch sa katahimikan.