LOA S3 Part 87: Hyper Mode

1.1K 104 8
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Feb 6, 2020

Part 87: Hyper Mode

ACE POV

"SYSTEM COOLING DOWN"

"AUTOMATIC REPAIRING"

Halos 30 minutos rin ako nakababad sa tubig upang malamigan ang aking mga braso at katawan. Simula noong masira ang aking orihinal na program doon sa laban kila Yukzi ay napapadala na ang pag oover heat ng aking system. Kung minsan ay nag eerror ito at nakakaramdam akong ibayong sakit ng ulo.

Halos mag lawa na sa buong paligid dahil tuloy pa rin ang pag buhos ng tubig galing sa tubo. Sinigurado talaga ni kuya Jorel na malakas ang tagas ng tubig dahil binutas niya ang mga bakal na daluyan nito.

"SYSTEM REPAIRING COMPLETED"

Muling nag liwanag ng berde ang aking system kumpara kanina na may warning at pulang pula.

Noong makaramdam ng ginhawa ay agad akong tumayo at lumabas sirang gusali kung naroroon si Kuya Bart na bumabangon. Halos puro sugat pa ito pero napapansin kong unti unti na ring nag hihilom kaya naman lumapit ako sa kanya at inalalayan rin siyang makatayo.

"Kuya Bart ayos ka lang ba?" tanong ko.

"Oo, napurohan lang ako. Kapag hindi nahati aking katawan ay hindi ito mapapalitan. Kapag ganito mga saksak lamang ay napapag hilom ko na ito. Medyo mabagal nga lang." ang sagot niya at dito ay pareho kaming lumakad sa kinalalagyan ni Kuya Jorel at Pylo na noon ay nag bubuno pa rin, parehong mabilis ang kanilang kilos at halos sumasabog ang paligid.

Habang nasa ganoong pag lalakad kami ay nagulat kami noong makita ang maraming kakaibang anyong asong may sungay ang tumatakbo pasagupa sa amin. "Mga maliliit na version ni Pylo." ang wika ko kay kuya Bart sabay bali sa aking mga daliri at naging baril ito.

Sinuntok naman ni kuya Bart ang lupa at dito ay umangat ang isang malaking sawa, hinila niya ako sa tutok nito para sumakay dahil masyadong maraming asong halimaw ang nasa ibaba. Binabaril ko ito at pinabasabog. Samantalang ang higanteng ahas ni Kuya Bart ay bumubuga ng enerhiya na nag tataboy sa mga ito. "Kalat ito sa iba't ibang parte sa siyudad." ang wika ni Kuya Bart.

Hinabol kami ng halimaw na aso, halos puro kagat at kalmot na ang katawan higanteng sawa ni Kuya Bart pero lumalaban pa rin ito at gumagapang ng mabilis patungo kina kuya Jorel.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon