LOA S2 Part 59: Agwat ng Lakas

1.2K 102 4
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 26, 2020

Part 59: Agwat ng Lakas

IRANO POV

"Kamusta ang iyong pag lalakbay Irano? Mukhang nag tagumpay ka?" tanong ni Enki.

"OO, tagumpay akong itumba ang mga impostor na nilikha mo. At ngayon ay ikaw naman ang itutumba ko." ang sigaw ko at dito ay nag liwanag anga king dibdib, muling lumabas ang aking kalasag..

Wala pa si Narding, batid kong naroon pa siya sa portal na nakikipag laban kina Serapin at Nardo. Kung gayon ay ako muna ang haharap sa isang ito!

Hinawakan ko ng mahigpit ang aking sibat at nag tatakbo patungo sa kalaban na noon ay naka upo sa kanyang gintong trono sa itaas ng mataas na lupa.

(Author's Note: Eto ang part na labanan ni Irano at Enki, sa mga oras na ito si Narding ay naroon pa sa ibang demensyon kalaban si Serapin)

"Halika anak, mag laro tayong dalawa habang wala pa ang iyong kapatid na si Narding. Sa palagay ko ay nasisiraan na siya ng bait ngayon lalo't ang kanyang kaharap ay ang anghel na namatay dahil sa kanyang katigasan." ang wika nito.

"Hindi ganoong uri ng taktika ang makapag papa bagsak sa katauhan ni Narding. Huwag mo siyang maliitin!" ang sigaw ko.

Tumayo siya sa kanyang trono at lumakad palapit sa akin. "Alam mo Irano, ang pag hihiwalay ng inyong planeta sa tatlo ay kagagawan ko? Ang totoong kasaysayan ay pinag tangkaan kong wasakin ang nilikha ni Baal, ipinag tanggol niya ito gamit ang kanyang lakas kaya't sa halip na mawasak ito ay nag bitak lamang sa tatlong piraso. Samantalang si Baal na noon ay may sakit na walang makaka galing ay ibinukod ang kanyang sagradong kapangyarihan at inalis ito sa kanyang katawan. Itinago niya ito sa pinaka kailalim ng karagatan na walang sinuman ang makaka tagpo. Ngunit nais kong linisin ang aking kamay, hindi ako ang pumatay kay Baal, sadyang mahina na lamang siya kaya ito namatay." ang wika niya habang naka ngisi.

Natahimik ako..

"Salamat sa malagim na katotohanang sinabi mo, ngayon ay nag karoon ako ng sapat na dahilan para patayin ka." ang wika ko

"May lakas ka pa ba? Kitang kita ko ang pag giging mababa ang lebel ng iyong enerhiya Irano. Mukhang bugbog kana." ang wika niya at maya maya ay naramdaman kong gumagapang ang luwad sa aking mga paa kaya naman itinarak ko ang aking sibat sa lupa at dito ay nag simulang lumabas ang tubig sa buong paligid. Gumapang ang tubig sa lupa at ilang saglit pa ay mistulang naging lawa ang buong lugar.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon