LOA S4 Part 109: Sagradong Katawan

1K 68 1
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 4

AiTenshi

Feb 22, 2020

Part 109: Sagradong Katawan

IRANO POV

"Ngayon ay kayong dalawa nalang ang natitira. Malakas ang taga Roika nasa lebel ng kanyang kakayahan ang maging isang Diyos kung tutuusin. Nag kataon lamang na ako ang kanyang kalaban kaya't hindi ito umubra. Gayon pa man ay nais ko kayong batiin dahil sa inyong mga lakas na hindi matatawaran." ang wika ni Alpha habang bumababa ito sa lupa. May pinsala na rin ang kanyang katawan at hindi na ito ganoon kaperpekto.

Samantalang agad kong pinuntahan si Jorel na noon ay naka sadsad sa lupa. Matindi ang pinsala sa kanyang braso at halos naka labas na ang buto nito. Sinadya ring wasakin ni Alpha ang kanyang kamao upang mabawasan ang kanyang lakas. "Jorel." ang pag tawag ko sa kanyang walang malay na katawan. Pinagapang ko ang tubig sa kanyang braso upang patigil ang dugo nito at pag hilumin ang kanyang pinsala bagamat imposible ito dahil hindi saklaw ng aking kakayahan ang bumuo ng tissue sa cells ng isang nilalang.

Noong maramdaman ni Jorel na gumapang ang malamig na likidong tubig na pang hilom sa kanyang napinsalang braso ay nag sisigaw ito sa sakit. "Shhh, relax lang. Paunang lunas lang ito." ang wika ko.

"Hindi saklaw ang regeneration ability ko ang pag kawasak ng mga buto. Arrghhhhh!" ang wika niya habang namamalipit sa sakin.

"Pag uwi natin sa Earth ay dadalhin kita sa Antartica sila ang mag babalik ng iyong kamay na napinsala." ang sagot ko habang inaalalayan siyang bumangon.

Habang nasa ganoong posisyon ay tuloy pa rin sa pag sabog ang paligid. Dito ay nakita ko si Nardo na kalaban si Alpha. Nag papalitan sila ng malalakas na suntok sa mukha hanggang sa kapwa sila matumba at tumilapon sa mag kaibang direksyon. Yumanig sa paligid at umangat ang mga bato dahil sa kanilang mga pwersa.

Agad kong isinandal si Jorel sa batuhan at nilagyan ito ng harang na tubig. "Ibalik mo ang iyong lakas dahil kailangan namin ang isang katulad mo. Okay ba?" naka ngiting ko wika

Ngumiti siya at tumango bilang pag sang ayon.

Agad akong lumipad para tulungan si Nardo. Ito ang ikalawang pag kakataon na mag kasama kaming dalawa na muling sasagupa sa isang malakas na kalaban. Ang huli ay kay Enki na halos nag agaw buhay kaming dalawa.

Tinulungan kong bumangon si Nardo at ngumiti. "Sa tingin ko ay tayong dalawa talaga mag ang partner." ang biro ko.

Natawa ito at inabot ang aking kamay. "Pero baka magalit sina Bart at Cyan." biro niya bagamat halata ko sa mukha ni Nardo na wala na itong lakas. "Loko di ganoon ang ibig kong sabihin. Ano ka pa ba?" tanong ko.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon