PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 2
AiTenshi
Jan 17, 2020
Laking gulat ko noong sumulpot siya sakin harapan. "Kuyy.." ang tanging nasabi ko dahil biglang may tumarak na sibat sa aking tiyan. Tumagos ito sa aking likuran.
"Nai! Nandyan na ko!" ang sigaw ni kuya Jorel.
Tumingin ako sa kanya at bumulwak ang dugo sa aking bibig. "Ikaw ang pinaka makulit na nakalaban ko alam mo ba iyon? Bakit hindi ka muna mag palamig doon sa kalawakan?" ang wika niya at dito ay nag liwanag ang kanyang sibat at walang anu ano ay bigla akong tinangay nito sa pinaka taas. Para akong isang rocket na sumibat at tinulak ng sibat na nakatarak sa aking tiyan sa kalangitan palabas sa kalawakan.
Part 36: Ang Imortal na Diyos
NAI POV
Sinubukan akong habulin ni kuya Jorel sa ere ngunit hinila lang siya pabalik ni Senbon sa lupa. Batid kong malaki ang pag nanais niyang kainin ito dahil na rin sa espesyal ang dugo ng lahing Roikan.
Nag tuloy tuloy akong lumipad sa kalawakan hanggang sa makita ko ang ganda nito.
Umikot ikot dito at pinag masdang maiigi ang kaawa awang planeta ng mga agnas. "Sin? Nandyan ka ba?" tanong ko.
"Oo Nai." ang sagot niya.
"May napapansin ka ba? Parang may mali" ang pag tataka ko habang paikot ikot dito.
"Ang akala ko ay ako lang ang nakapansin." ang wika niya.
Natawa ako at dito ay agad kong inalis ang sibat sa aking tiyan. Dahil sa lamig ay nag hilom at tumigil ang pag durugo ng aking sugat.
Agad akong lumipad pabalik sa kinalalagyan nila kuya Jorel. Para akong isang kometa na sumibat pabagsak sa kalangitan. Nag apoy ang aking katawan dahil sa matinding init sa atmospera ng planeta.
Noong makarating ako sa himpapawid ay agad kong hinahanap ng dalawang pwersa nag lalaban, sa itaas palang ay nakikita ko ang isang puting liwanag at isang itim na parang sumasayaw na kulay na hindi ko malaman. Mabilis ang kilos, nag hahabulan o nag iiwasan na hindi ko malaman.
Maya maya ay nakitang dumikit ang itim na liwanag sa puting liwanag. Unti unting kinain nito ang puting liwanag hanggang sa tuluyan itong mawala. "May nang yari kay kuya Jorel!" ang sigaw ko sa aking sarili at dito ay mabilis pa sa kidlat na sumibat ako sa kanilang direksyon.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
ФэнтезиAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...