LOA S3 Part 76: Wanted

1.1K 114 22
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

HAPPY READING!

Eichan Estillana

Junel Ontua

Cire Gnasalgam Zenemig

Roxanne Bandalan

Gilbert Pangilinan Cabanlit

Alj28MahalKita

Accel Villalobos

AH YS

Vina Garcia

Jessie Tabsing Tabud

*********

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Feb 1, 2020

Makalipas ang ilang sandali ay napalibutan na kami ng maraming sasakyang pang himpapawid ng bansa. Marami na ring pulis at sundalo sa kalsada. Pati mga tanke ay nag labasan na rin at pumaikot sa amin.

"Nardo, arestado ka! Mabigat ang krimen na ginawa mo." ang wika ng sundalo na naka sakay sa helicopter habang ang ilaw nito na parang spot light ay naka sentro sa akin.

Part 76: Wanted

"Sumuko kana Nardo! Napapaligiran kana namin. Hindi makatarungan ang ginawa mong pag patay sa daang sibilyan at mga sundalo sa siyudad ng Tiera 2. At may mga report pa na ginulo mo rin ang ibang siyudad at lahat ay winasak mo." ang wika ng mga pulis sa ibaba.

Maingay sa paligid, puro wang wang ang aming naririnig..

Maya maya ay lumipad si Jorel sa kanilang kinalalagyan. "Hindi si Nardo ang gumawa noon, ibang nilalang iyon na ginagaya lamang siya." ang wika nito.

"Malakas ang ebedensiya mula sa kanya at kami mismo ang nakasaksi sa kanyang krimen! Huwag mo na siyang ipag tanggol Jorel!" ang sagot nila sabay paputok kinaroroon ni Jorel. Tumatalsik ang bala sa kanyang katawan.

"Bakit pati ako ay binabaril ninyo? Hindi makatarungan iyon!" ang wika nito sabay pitik sa isang helicopter dahilan para mawala ito sa balanse.

Nag akyatan na rin ang mga pulis sa itaas ng roof top at ang lahat ay nakatutok sa amin ang baril..

Itinaas ko ang aking kamay bilang senyales na hindi ako lalaban ngunit maya maya ay may isang tumira at binaril ako. Hindi naman ako kumilos pero sila ay pinaulanan ako ng bala.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon