Yudai Chiba as Ace
*******
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
AiTenshi
Dec 29, 2019
Nag liwanag ang kanyang katawan at gayon rin ang kanyang dalawang mata. Nag spark ang mga kable sa kanyang kamay at dito nag simulang mag scan ang susi, umikot ito at nag labas ng kakaibang enerhiya.
Part 14: Mahalagang Talaan
Ginamit ni Ace ang kanyang katawan upang iscan ang susi na nag lalaman ng impormasyon tungkol sa mga Diyos na bababa sa kalangitan upang wakasan ang lahat. Ang naturang susi ay mataas na uri ng teknolohiya kaya't kinakailangan rin ng mataas na uri ng aparato para buksan ito at ang kanyang katawan lamang ang natatanging may kakayahan upang gawin ang proseso.
Nag patuloy na nag labas ng malakas na liwanag ang susi, umikot ikot ang pinaka korona nito at nag sspark pa habang bumibilis ang pag galaw. Samantalang nag patuloy rin ang pag ilaw ang katawan ni Ace, ang kanyang mata ay nag liliwanag at gayon rin ang kanyang bibig.
Maya maya ay lalo pang nag liwanag ang susi at kasabay nito ang pag usok ang katawan ni Ace, nag spark at pumutok ang kable ng kanyang balikat, braso at binti.
Ilang saglit pa ay umusok na rin ang kanyang ulo..
Nabalot kami ng pag aalala noong mga oras na iyon. Sinubukang hugutin ni Sam ang susi pero itinulak lamang siya palayo nito..
Nag patuloy ang pag ikot ng susi..
Pabilis ng pabilis..
Hanggang sa kusa itong huminto..
Umusok ang buong katawan ni Ace..
"Power low" ang wika ng aparato sa kanyang katawan at dito ay bumulagta nalang ito sa sahig na parang isang laruang nawalan ng baterya.
"Nalowbat na ang circuit ni Ace, aabutin ng 24 oras para muli siyang mag kamalay." ang wika ni Sam sabay buhat sa kapatid at inilagay nito sa espesyal na capsule. Itinugon ang kable sa likod ni Ace at nag simula itong mag charge. "Nakompleto ni Ace ang pag scan. Ang impormasyon ay nakasave sa kanyang system. Bilang kapalit ay inubos nito ang enerhiya sa kanyang circuit. Kahit na ginawa kong artipisyal na katawan ng tao ang kanyang mga lamang loob ay mayroong pa ring 60% bakal at teknolohiya sa kanyang mga buto kaya kailangan pa rin siyang icharge. Sa ngayon ay susubukan kong idownload ang mga impormasyon sa kanyang system at ang susunod na hakbang ay dalhin ito ay Gun Duran upang mas maunawaan natin malawak ang nilalaman nito." ang wika ni Sam.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasíaAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...