Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 4
AiTenshi
Feb 26, 2020
Part 119: Pakpak
Isinahod namin ang aming kamay sa ere kung saan bumabagsak ang mga natirang abo ni Alpha. Ngayon batid namin na ang kalawakan ay pansamantalang makaka tikim ng katahimikan, bagamat kaunti na lamang ang natitirang buhay dito.
Napatingin kami sa aming kamay at espada..
Tama nga naka sulat sa pader ng kweba ni Enoch noon na isang anghel rin ang makakatalo sa ama at iyon ay nasa propesiya. Sinasabi niya ang makakatalo dito ay isang sandata na hindi basta basta matatagpuan at iyon ay nakahimlay mismo sa aming pag kakaisa.
FLASHBACK
Sa larawan ay ipinakita ang pag baba ang isang lalaki na nakaupo sa isang bulaklak. May hawak itong sibat o espadang hugis bilog ang pinaka dulo sa kanyang kamay. At dito ay isa isa niyang tinutusok ang mga bilog na bagay na animo mga planeta. "Ito ay simbolismo ng pag baba sa kalangitan na tinatawag na kataas taasang ama. At wawasakin niya ang mga planeta sa kalawakan. Walang makapipigil sa kanya kundi ang isang anghel." ang wika ni Enoch sabay pakita ng isang nilalang na may pakpak..
"Anghel? Literal na anghel iyan." ang wika ko naman.
"Oo, nakita ko sa aking pangitain ang kanyang kulay puting pakpak at kumikinang ang mga balahibo. Niyakap ng anghel na iyon ang kadiliman at winakasan ang digmaan." ang wika niya.
"Saan natin makikita ang anghel na iyon?" tanong ko naman.
"Nakatago iyon sa isang malayong lugar na mahirap marating ng tao. Kinakailangan ito ng matibay na pananalig at pag titiwala sa sarili." tugon ni Enoch.
"Teka, ano naman ang isang ito? Parang isang uri ng bulaklak?" tanong ko ni Irano.
"Iyan ang gamit ng kataas taasang ama. Nakita ko kung paano niya wasakin ang planeta gamit ang bulaklak na iyan. May lumabas na isang usok at mula dito ay sumabog ang lahat. Nag karoon ng malawakang pag hihirap ang mga nilalang sa lupa. Nag patayan sila, nag digmaan hanggang mauwi sa pag kagutom, pag kauhaw, at mag tapos ang lahat sa isang malalang pag kawasak."
End of Flashback (Scene from ATNN3 LOA Part 51: Guhit)
Nanatili kami sa ganoong posisyon habang nakatanaw sa Earth na noon ay sumabog na rin ang mga kalaban sa digmaan. At habang nasa ganoong posisyon kami ay bumukas ang portal at dito ay lumabas si Rashida. Lumakad ito paharap sa amin. "Hindi ko akalaing mabubuo ang isang sagradong nilalang na anghel sa inyong mga katauhan, tunay ngang makapangyarihang ang iyong paniniwala sa inyong mga sarili. Natalo ninyo si Ama at ngayon wala na rin ang kanyang espiritu." ang wika nito.