LOA S3 Part 89: The Gate Of Babylon

1.1K 99 19
                                    


PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Feb 7, 2020

Part 89: The Gate Of Babylon

Part 89: The Gate Of Babylon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAI POV

"Atras!!" ang malakas na sigaw ni Irano noong makita ang kung anong mga bagay na portal na nag liliwanag sa likuran ng kalaban.

Mula dito ay lumabas ang maraming sandata, sibat, espada, palakol at kung ano ano pa. Nag liliwanag ang mga ito at mabilis na sumibat sa aming kinalalagyan. Sinangga namin ang mga ito, ang iba ay tumama sa karagatan at sumabog. Halos umulan ng mga sandata na nag mula sa portal na iyon at ang pag tama nito ay hindi ordinaryo dahil malakas ang hataw at impact na parang mayroong gumagamit ng mga ito bagamat lumulutang lang sa ere at lumilipad patungo sa amin.

Nag sunod sunod ang pag tama mga ito sa karagatan kaya lumikha ito ng malalakas na pag yanig at pag sabog. Umangat ang tubig at parang nag mistulang tsunami na sumalpok sa daungan. Mabuti na lamang at hinila ito ni Irano pabalik upang hindi na tumawid pa sa siyudad.

"Ang gate of babylon ay isang mitolohiya, ginamit ito sa iba't ibang pelikula at mga anime sa inyong mundo. Ito ay tarangkahan sa walang katapusang sandata na pag aari ni Haring Gilgamesh. Kaya kung mag kakaroon ng kakayahang bukas ang gate of Babylon ay makaka aaccess ka sa mga sandata sa loob nito. At iyon ang ginagamit ngayon ng kalaban na si Isayas." ang wika ni Sin.

"Eh sino naman si Gilgamesh?" ang tanong ko.

Nangumiti ang kalaban at kumuha ang isang espada sa kanyang likuran. "Maraming bersyon ang kwento ni Gilgamesh sa ibat ibang kalawakan. Ngunit ito tumutukoy lamang sa iisang mandirigma. Sa iyong mundo naka sulat sa epiko ni Gilgamesh na siya ay isang hari na anak ng isang mortal at isang Diyos. Ngunit mas matimbang pa ring ang pagiging mortal sa kanyang katawan. Ayon sa mga kasulatan, si Gilgamesh ay nag lakbay sa iba't ibang mundo at tinalo ang iba't ibang halimaw na nag tataglay ng malakas na kapangyarihan, kinuha niya ang mga sandata nito inipon ng inipon hanggang sa maging kasing taas na ito ng isang bundok. Ngunit sa ibang teksto, sinasabing ang kapangyarihan ni Gilgamesh ay walang hanggang sandata, hindi nauubos at hindi nasisira.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon