Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Poster by: Junoel LyCaster
*****
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
AiTenshi
Jan 3, 2020
Part 18: Akashic Record 2
Umabot ng halos 2 araw bago tuluyang maidecode nila Gun at Sam ang mga impormasyon sa loob ng susi ng teknolohiya. Kung ordinaryong scientist o researcher daw ang gagawa nito ay baka abutin ng maraming buwan o taon bago maisalin ang mataas na uri ng hieroglyphic character. At dahil nga nasa level ng supreme ang talino nina Gun at Sam ay nakuha nila ito ng halos 48 oras lamang na walang kain at wala ring tulog. Purong pag gawa at isang daang porsientong pag fofocus ang kanila inilaan para matapos ito ng mas maaga.
Mula sa mga nadecode na impormasyon ay gagawan naman nila ng interpretasyon ang mga ito batay sa naka tala sa system. Dito na rin papasok ang pag susuri nila sa mapa at sa mga tuldok na tinutukoy dito na animo isang malaking lupon ng mga bituin.
Makalipas ang halos tatlong araw ay muli kaming bumalik sa silid ng pag pupulong dito ay ibinalita nila sa amin na natapos na ang pag dedecode ng impormasyon at naisalin na ito sa isang wika na maaunawaan ng lahat. Dito ay ipinakita sa amin ang isang malawak mapa na nag lalaman ng mga impormasyon patungkol sa mga Diyos.
"Ang akashic record na itinala ng mga taga planetang Yurya ay nabuksan na. Nakaka impress ang kanilang husay at talino sa pag rereseach, masasabi ko na talagang pinag laanan ito ng panahon upang ilagay sa isang maliit na susi ang lahat ng impormasyon at dalhin ito sa ating planeta." ang wika ni Sam habang isa isang inaayos ang mga program na ippresent sa monitor
"Sa tulong ni Doktor Samuel ay maayos namin nagawa ang pag dedecode. At ang mga impormasyon dito ay positibong nag lalaman ng talaan patungkol sa ating natitirang pag asa. At sa mapa ito matatagpuan ang mga iyon." ang wika ni Gun.
Sa monitor ay nag flash ang isang mapa. "Ito ay ang mapa ng Earth at may mga tuldok na ito na animo bituin ay ang mga lokasyon ng mga pyramid sa buong mundo. Mayroong walong malalaking pyramid ang naka kalat sa bawat sulok ng mundo at lahat ng ito ay mayroong gamit. Ang impormasyon na nandito sa susi ay ang tungkol sa kapangyarihan ng mga Diyos. Ang bawat kapangyarihang iyon ay sagrado at mayroon sariling buhay.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.