PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 2
AiTenshi
Jan 21, 2020
Part 48: Walang Hanggang Talino
CYAN POV
Halos na bura ang buong paligid dahil sa lakas ng pag atake ng higanteng hilimaw na nilikha ng doktor. Tiyak na pareho lamang rin ang susunod niyang gagawin kapag nag pakawala kami ng pag atake ay hihigupin lang ng kanyang sandata at saka ibabalik sa amin na mas doble pa ang lakas.
Nag patuloy pa rin ang aming sagupaan. Halos wasak na ang buong kalupaan dahil sa mapanira ang ginagawang pag atake ng dragon kung saan naka sakay si Bart. Tatlo ang kulay ng kanyang kaliskis at nag babago bago ito depende sa pwersang ibubuga ng kanyang bibig. Ang kulay berdeng kaliskis ay nag lalabas ng mga patalim, malalaking sibat at mga bomba. Ang kulay asul na kaliskis naman ay nag lalabas ng malamig na enerhiya na ginagawang yelo ang natatamaan. At ang kulay dilaw ay nag lalabas ng kidlat at boltaheng kuryente. Sa bawat sandali ay makikitang naiiba iba ang kulay ng dragon depende sa sitwasyon.
Samantalang si Hator kung saan ako nakasakay ay hindi nag papahuli ng lakas, purong pisikal ang kanyang pinamamalas at ang espadang nag aapoy sa kanyang kamay ay hindi nag lalaho na namamatay, mas lumalakas pa ito kapag nakakaramdam ng panganib o yung malakas na pag atake ng kalaban.
Tatlo kaming lumipad sa itaas, batid kong hindi matatawaran ang lakas ni Helena dahil hirap kaming lumapit dito, kapag kami ay mag tatanggka ay sasabog ang asido sa kanyang paligid, o kaya ay hahaba ang mga karayom na naka paparilisa sa kanyang mga pakpak. "Walang katapusang pag iwas! Walang katapusang pag lipad palayo. Anong nangyari sa inyo? Huwag niyo akong biguin at gamitin ninyo ng mahusay ang mga bagay na ipinahiram sa inyo." ang wika ng Doktor. Pero hindi kami kumibo, kapwa kami nag isip ni Bart ng pwedeng hakbang upang makalapit ng ligtas sa kanyang harapan.
"Ayaw ninyong lumapit? Pwes ako nalang ang lalapit sa inyo!" ang wika niya at mula sa kamay ni Helena ay lumabas ang napag kahabang kuko na katulad sa doktor. "Subukan natin idisect ang mga tulong na ipinag kaloob sa inyooo!" ang sigaw pa niya at dito ay lumipad ng mabilis patungo sa amin ang kanyang higanteng kapanalig.
Nag liyab ng husto ang sandata ni Hator at hawak ko rin ang aking palakol. Kapwa kami nag handa sa pag atake nito. Hinawakan kong mabuti ang aking sandata at habang nasa ganoong pag hahanda ay humarang si Bart sa aking harapan at bumuga ito ng katakot takot na ahas, halos napuno ang buong kalangitan. Ang bawat ahas ay nag lalabas ng laser sa bibig at pinasabugan ang kalaban na mabilis na lumilipad patungo sa amin.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...