LOA S2 Part 30: Mahunaya

1.4K 107 12
                                    

Cover by Accel Villalobos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Accel Villalobos

*********

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Part 30: Mahunaya

JOREL POV

"Kung ganoon ay nag bago ang lahat sa isang iglap?" ang tanong ko habang nakatanaw rin sa labas ng isang siwang sa bintana at dito ay nakita ko ang halos daang apruid na nakatayo labas ng tarangkahan at matiyagang nag hihintay. Lahat ay mga may dugo sa bibig, putla at talagang mga bangkay na buhay. Ang iba naman ay bumabangon palang mula sa ilalim ng lupa at naririnig ko pa ang kanilang mga ingay mula dito.

"Kuyaaa, matagal ba ang umaga?" ang tanong ni Nai habang naka siksik sa aking tabi, sumilip ito sa bintana at halos manlaki ang kanyang mata noong makita ang mga kinatatakutang bangkay na nabuhay. "Iyan yung ideal na nakakatakot, yung bangkay na nabuhay tapos kakain ng tao. Iyan ang ayokong ayoko!" ang wika niya.

"Bakit hindi nila magawang pumasok sa tarangkahan? Luma na ito at tiyak na mabubuwag sa isang sipa lang." ang pag tataka ko.

"Ang tarangkahan na iyan ay may basbas ng liwanag, nag lalabas ito ng kakaibang simbolo kapag may lumalapit na apruid na sumusunog sa kanilang mga katawan. Mga hijo, mabuti pa ay mag pahinga na kayo. Hindi sumisikat ang araw dito, lulubog lamang ang buwan at muling babalik sa hukay ang mga apruid. Bukas ay mangunguha tayo ng mga kahoy at bakal para maging inyong sibat." ang wika ng matanda.

"Hindi rin naman kami makakatulog sa matinding ingay sa paligid. Tama ba Nai?" ang tanong ko.

Tumingin ito sa akin at tumango bagamat ang ulo ay nakasuklob sa kanyang sweater..

Tahimik uli..

Hanggang kailan matatapos ito?" tanong ko sa matanda.

Tumingin siya sa akin "Hindi na ito matatapos. Pwera nalang kung mapatay ang Diyos na nakatira sa kastilyong iyon. Baka sakaling makalaya ang planeta mula sa pag ka agnas."

"Diyos? Sino?" ang tanong ko.

"Si Senbon. Ang sugo ng dilim. Siya ang lalaking bumaba sa isang sasakyan at ginulo ang lahat. Ang sabi niya ay parte ito ng kanyang pag huhukom. Hindi kami naniniwala sa mga sumpa o kalamasan kaya ang paniniwala namin ay nag kalat siya ng lason sa dugo ng mga taga rito upang lahat kami ay maging isang halimaw na hayok at uhaw sa dugo. Ngayon ay naamoy nila ang ating mga katawan mula rito kaya't gabi gabi ay nakatayo lang sila sa labas ng tarangkahan at nag hihintay. Ang mga ganitong senaryo ay makakasanayan nyo rin pag lipas ng panahon. Matanda na ako at napapagod na rin akong lumaban at mag hintay sa pag sibol ng bagong liwanag."ang wika niya

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon