Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ken Phonpanu as Sam
*******
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
AiTenshi
Dec 27, 2019
"Mag handa na kayo, nandito na tayo sa isla ni Ace." ang wika ni Nai, samantalang hinawakan ko naman ang susi sa aking kamay at inihanda ang aking sarili sa mga bagay na maaaring maganap, mula sa mga oras na ito at sa mga susunod pa.
Part 13: Susi ng teknolohiya
"The last time na nag tungo tayo dito ay may dala kang anik anik na bolang metal na ibinigay ng mga taga planetang unano. Ngayon naman ay may dala kang susi na parang si Card Captor Sakura. Ikaw Narding ha, last na talaga to. Ewan ko ba naman dyan sa mga baliw na taga planeta, sayo lagi ibinabagsak ang mga ganyang misyong eklabern na achuchu na iyan!" ang maingay na wika ni Cookie habang bumaba sa sasakyan at hinahakot ang aming mga dala.
"Siguro dahil si Super Nardo lang ang may kakayahang mag lakbay ng speed of light years sa kalawakan." ang tugon ni Rui.
"Kaya ko rin iyon kuya, kaya rin iyon ni Jorel at Irano. Nag tataglay si Narding ng kapangyarihan ng Diyos na si Rashida at iyon ang tamang sagot. Tama ba ako Narding?" tanong ni Nai.
"Iyon nga siguro ang tamang sagot kung bakit sa akin ibinibigay ang mga ganitong bagay." ang wika ko sabay taas sa kwintas at tinamaan ito ng sikat ng araw.
"Ay, ano ka ba Narding! Huwag mo ngang ilabas iyan, baka maya maya ay mag bigay pa iyan ng signal sa mga kalaban sa outerspace! Silent lang tayo dito, safe lang muna please!" ang hirit ni Cookie sabay agaw sa susi.
"Mukhang natrauma na si Cookie ah." puna ni Nai.
"Yeah, the last time na nakipag laban kami ni Narding ay namatay iyang si Cookie na parang cast ng avengers end game." ang pang aasar ni Bart.
"Kaya nga, ayoko nang maranasan iyon. The last time namatay ako ay sinabing ginaya ko si Spiderman kaya ayoko na ulit mamatay! Saka pwede ba itigil na natin ang pag gamit ng salatang "the last time". Kasi the last time ginamit ko ito ay ginaya na rin ng lahat." ang wika niya sabay sukbit sa aming mga bag.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay bumukas ang isang tunnel sa ilalim ng lupa at dito ay lumabas sina Ace at Sam. Kapwa naka suot ng laboratory gown at may mga proteksyon pa sa mata. Noong makalabas si Ace ay agad itong tumalon mula sa nakabukas na lagusan at saka nag tatakbo patungo sa amin na parang isang batang nag lalaro ng habulan. Tuwang tuwa at bakas ang matinding excitement sa mukha.