PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 2
AiTenshi
Jan 23, 2020
Nawala siya sa balanse at mabilis na sumadsad sa ere pa bagsak..
Bago tumama sa lupa ay agad rin siyang naka bawi. "Hindi na masama Narding.. nakakatuwa dahil pamilyar ang inyong amoy sa akin. Pakiwari ko ay kasama ko pa rin ang aking mga paboritong kapatid na si Rashida at si Baal." ang wika niya habang lumilipad pabalik sa aming harapan.
Part 54: Kapatid, Pangako, Pag kabigo
NARDING POV
"Si Rashida at si Baal.. Sila ang pinaka paborito kong kapatid sa lahat. Naalala ko pa noong mga bata kami, halos sila lamang dalawa ang lagi kong kasama. Iyon ay dahil mag kakawangis ang aming anyo at hindi naiiba sa inyo. Ang sabi ni Ama ay nilikha niya sina Rashida at Baal ayon sa aking wangis kaya halos sila ang itinuring kong pinaka espesyal sa lahat. Iyon nga lang ay may dalawa akong sungay, si Rashida ay kawangis ng normal na tao. At si Baal na may mukha ng isang tao ngunit may taingang palikpik.
Ako ang kanilang nakakatandang kapatid. Sama sama kaming umunlad at lumikha ng sagradong sandata ayon sa aming kakayahan. Ang aming mga kapangyarihan ay mag kakaugnay at tinuturing na esensyal sa buong kalawakan. Si Rashida ay may kakayahang mag dala ng liwanag, si Baal ay tubig at ako naman ay lupa. Tatlong mahalagang sangkap sa pag likha ng isang masagnang mundo.
Tandang tanda ko pa noong unang beses na lumikha kami ng isang maliit na bituin. Humakot ako ng lupa at hinubog ito upang maging isang malaking bilog, si Baal naman ay nilagyan ito ng tubig na maaaring pag mulan ng mga mikrobyo na esensyal sa pag gawa ng buhay at para lumago ang mga ito ay nilagyan ni Rashida ng liwanag. Ito ang unang beses na gumawa kami ng isang maganda bituin at ito ang aming alaala.
Napansin ni Ama na malakas ang kapangyarihang taglay ni Rashida kaya palihim siyang gumawa kakambal nito at iyon ay si Gamal na kabaligtaran ang kakayahan sa kanya at iyon ay ang dilim. Mabuti si Gamal, ngunit madali itong mainggit kaya't ang naging kasundo niya ay sina Senbon at Yukzi na parehong nag nanais ng dominasyon sa kalawakan. Samantalang walang problema kay Cura, masaya na itong makipag laro sa kanyang mga alagang sawa. Si Ugigi ay masunurin lamang kay Ama, bagamat sinasabing isang depekto ang pag likha sa kanya.
Makalipas ang ilang siglo ay lumaki kami at nag karoon kanya kanyang desisyon. Inutusan kami ni Ama na humayo at mag pakarami, gumawa ng mga planeta at nilalang ayon sa aming wangis. Pinag kalooban kami ng mga medalyon kung saan maaari naming ilagay ang aming mga kakayahan at hubugin ito upang mas maging malakas pa. Nag paalam kami nila Rashida at Baal sa isa't isa dala ang pangako na susundin ang tagubilin ni Ama na magiging mas maunlad pa.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...