LOA Part 16: Ang Limang Anghel

1.4K 108 18
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

AiTenshi

Jan 1, 2020

Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla nalang may gumuhit na puting liwanag sa kalangitan at mula dito ay bumagsak si Jorel suot ang jacket at sirang pantalon. Mukha galing pa ito sa mall dahil mayroon pa siyang dalawang mga shopping bag.

At maya maya isang pag yanig sa karagatan ang aming naramdaman kasabay nito ang pag taas ng alon, bumilog ito na animo lagusan sa portal at mula dito ay lumabas ang isang lalaking may hawak na sibat..

Part 16: Ang Limang Anghel

"Ang ginamit kong device ay isang portal na nakatugon dito sa isla. Hindi pa ito masyadong pulido ngunit sa mga susunod na taon ay magagamay ko na rin ang pag gamit ng portal sa iba't ibang oras." ang wika ni Gun.

"Huwaw ha, ang bilis bilis ng pag dating ni papa Jorel, parang message lang sa facebook! Kasing bilis ng pag Uupdate ni Ai Tenshi sa wattpad! Winner!" ang hirit ni Cookie. "Teka, yang lalabas ba sa portal ay si Irano? Yung parang si Aquaman?" pag tataka pa niya habang pinag mamasdan ang lalaking lumalakad palabas sa portal hawak ang kanyang nag liliwanag na sibat.

Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan na itong nakalabas sa tubig at ang lahat ay nagulat. Agad na lumapit si Cookie sa lalaking lumabas at tumaas ang kilay nito. "Hala, eh bakit? Hindi niyo naman ako nainform na ganito ka chaka si Irano. Akala ko merman ang isang ito? Eh bakit parang pusit na nalunod sa karagatan?" ang pag tataka nito sabay turo sa lalaking dumating mula ulo hanggang paa.

Lumakad ang lalaki at humarap kay Cookie. "Ito na ba si Super Nardo? Bakit mukhang aswang na inasawa ng sampung tikbalang? Chakaness ang lola mezzzz! Diba Male version ni Darna ito? E kahit baklang impakta ang role nito ay hindi papasa! Jusko!" ang sagot nito sabay pindot sa buton ng kanyang kalasag at bigla itong nawala sa kanyang katawan. Pumose ito at lumakad paikot kay Cookie na parang isang modelo.

Nag ikutan silang dalawa na parang beauty queen na nag lalaban ng tingin..

"Iyan ang tinatawag na end of the world." ang wika ni Bart.

"Nakaka kilabot, nag tagpo na silang dalawa." ang wika ni Nai habang nakatingin sa dalawang nag iikutan pa rin at napapatalbugan sa pag pose.

Habang nasa ganoong posisyon ang dalawa ay biglang umangat ang tubig sa dalampasigan at dito parang alon itong sumalpok sa dalawa dahilan para kapwa sila anurin sa karagatan.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon