Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
AiTenshi
Jan 7, 2020
Narito ang mga pangalan ng mga mag kakasama sa Grupo..
Sa Pyramid ng Cambodia - Narding, Bart, at ikaw Cookie.
Sa Pyramid ng Greece - Irano, Cyan, Tibur
Sa Pryamid ng China - Jorel at Ace.
At sa Pyramid ng Sudan - Kapitan Juho at Nai
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Part 21: Ang Simula ng Misyon
"Narding dito ka nga sa gitna! Ikaw ang star bakit dyan ka sa gilid? Hindi ako papayag na si Tibur na mukhang diablong pusit ng karagatan ang maging leader!" ang wika ni Cookie sabay hila sa akin at dinala nanaman ako sa gitna.
"Si Irano ang leader dahil sya ang pinaka malakas, pinaka gwapo ang boyfriend at pinaka maganda ang side kick!" ang wika ni Tibur
"Malakas din si Narding at performer din siya sa kama katulad ni Irano! Gwapo rin si Papa Bart at beauty queen ang sidekick niya kaya kami ang nasa gitna!" ang pag pupumilit ni Cookie.
"Kung ganyang ang beauty queen mas mainam pang maging 4th runner up nalang ako forever!" ang sagot ni Tibur.
"Sabunutan na yan! Hawakan mo sa tainga Cookie!" pang gagatong ni Nai.
"Sandali, hindi naman mahalaga kung sino ang lider. Lahat kayo dito ay pantay pantay." ang natatawang pag pigil ni Sam sabay lapit sa amin at inabutan kami ng maliit na bagay na animo ballpen pero mayroon itong buton sa itaas. "Ang bagay na iyan at tinatawag na instant transmission device. Kung napapansin niyo ang bawat isang device ay may kulay na buton. Mag kakakulay ang bawat team at ang kulay na iyan ay mag kakakonekta, pag sasama samahin kayo nito sa portal maka karating kompleto sa lagusan nito. Ano pa ba purpose ng mga device na iyan?
UNA: Iyan ang mag bibigkis sa inyo upang makarating ng buo at sama sama ang team sa inyong mga lagusang pupuntahan.
IKALAWA: Iyan rin ang mag tuturo o mag sisilbing guide kung nasaan ang sagradong sandata.
IKATLO: Kapag nakuha niyo na ito pindutin niyo muli ang buton at otomatiko kayong babalik dito.
IKAAPAT: Iyan ang mag sisilbing komunikasyon sa atin. Maaari namin kayong makausap gamit ang iyan. Ang mga device rin na iyan ang mag sisilbing mapa niyo, kung nasaan kayo at upang madali namin kayong mamonitor gamit ang aming guiding system.